Claudine Barretto, naospital dahil sa maling pagda-diet

ADVERTISING

Claudine Barretto, naospital dahil sa maling pagda-diet

 Claudine Barretto, naospital dahil sa maling pagda-dietTila sinadya ng VIVA TV na huwag kargahan ng kahit isang patalastas ang pilot episode ng “Bakit Manipis ang Ulap?” nitong Martes as it was to establish the basic plot na kinapalolooban ng mga tauhan nitong sina Cesar Montano, Diether Ocampo, Meg Imperial, at Claudine Barretto.

ADVERTISING

As the following nights unfolded, nailatag na ni Direk Joel Lamangan ang ‘ika nga’y blue print ng disenyo at aabangan na lang ang magiging porma nito.

Mabilis ang pacing ng paglalahad, hindi nakababagot. Bawat tagpo ay makapigil-hininga na parang gusto mo nang sumapit muli ang alas nuwebe ng gabi para sa pagpapatuloy kung saan nagtapos ang kuwento.

What’s exciting, the characters are like threads interwoven into a fabric: si Alex (Meg) na lumalandi kay George (Diether) ay anak ni Cesar na karelasyon na ni Marla (Claudine) na lihim na minamahal ni George. Call it rigodon de amor.

ADVERTISING

Samantala, nabalitang naospital si Claudine Barretto, at ang itinuturong dahilan ay ang kanyang ‘di wastong pagpapapayat. Huwag naman sanang ikaantala ito ng taping ng BMAU dahil ang pilot week nito has altered the viewing habits ng mga teledrama fanatics.

 

CYBER SCANDAL in Ismol Family!

Dahil nauuso ang pagpi-picture ng pagkain para i-post sa Facebook, nabiktima ang buong Ismol Family ng isang eskandalo sa social media resulting in bad publicity for Oh Apol Beki ’n Bike Shop.

Isang customer ang nag-post ng picture sa Facebook ng kanilang apple pie na may strand ng buhok. Worse, ang gumawa pa nu’n ay si Rod, isang kaibigan na tinulungang makapasa sa high school hanggang college. Jingo vows to get Rod’s neck at all cost.

Gusto namang ipakilala ni Bernie sa kanyang parents si Amboy, pero tumanggi ito. Niregaluhan niya si Amboy ng gown at wala sa loob na ikinumpara ang ganda nito kay Natalia, ang ex-love interest niya na dating chimi-aa nina Majay.

Dahil sa kanilang walang humpay na away-bati, Ethan realizes that Yumi needs space. Sasabihin naman ni Bobong sa harap ni Ethan na darating ang childhood friend niya the following week, kasama nito ang guwapong anak na si Jonathan, ang magiging bagong ka-love team ni Yumi.

All this and more sa Ismol Family this Sunday!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING