Claudine Barretto, nagsasaya habang nagluluksa si Raymart Santiago?

ADVERTISING

Claudine Barretto, nagsasaya habang nagluluksa si Raymart Santiago?

Raymart-Santiago-Claudine-BarrettoISA AKO sa nagulat sa balitang sumakabilang buhay ang ina ni Raymart Santiago na si Cieliro Legaspi-Santiago.

Kasi maayos naman siya nu’ng nakausap ko pa nang dinalhan namin ng sardinas.

Wala kaming kamalay-malay na na-ospital pala ito nang magka-Pneumonia siya. Tapos ang sabi raw, nagkaroon ng kumplikasyon daw ‘yung gamot na pina-take sa kanya. Iyon daw ang dahilan ng pagpanaw nito.

Wala pa kaming nakausap sa kanilang pamilya, dahil hindi naman si Raymart nagpa-interview muna.

ADVERTISING

Kahit nga ‘yung wake nito sa may La Salle Greenhills nu’ng kamakalawa lang at pati ‘yung kahapon ay ipinagbawal nila ang coverage ng media.

Mas gusto nilang tahimik lang at hindi na pag-usapan dahil tahimik lang naman itong pamilya nila. Hindi naman sila mahilig magpa-interview nang magpa-interview.

Ang inaabangan du’n sa wake ay kung darating ba si Claudine Barretto. Siyempre mother-in-law niya ‘yun!

Ang nabalitaan ko lang kasi, ang pumunta du’n ang grupo nina Gretchen Barretto.

Nag-post nga si Gretchen sa Instagram account niya na pumunta sila sa wake at sabi niya “to celebrate the life of Mama Ling Santiago.”

Si Raymart naman ay inuwi niya ang urn ng Mommy niya at ipinost nito sa Instagram account niya na katabi raw muna niyang matulog.

Tapos kahapon ng umaga, isinama niya uli at dinala sa wake nito sa La Salle.

Samantala, kuwento sa akin ng mga bakla, nakita raw nila sa Instagram account ni Claudine na naki-celebrate ito sa birthday ng Tita niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING