Claudine Barretto, nagpakawala na naman ng pasabog

ADVERTISING

Claudine Barretto, nagpakawala na naman ng pasabog

Claudine-BarrettoNAGSALITA NA rin si Claudine Barretto matapos ang matagal na pananahimik tungkol sa kanila ni Raymart Santiago.

Maging ang pagsasawalang-kibo niya tungkol sa banat ng mga kapatid niyang sina Gretchen at Marjorie noon, nagsawalang-kibo lang si Claudine. Pero this time, tila may dala-dala siyang pasabog na ikawiwindang ng publiko at tagasunod ng iskandalosang buhay ng pamilya niya.

Ang daming mga rebelasyon na maging ang “civil wedding” nila ni Raymart noong 2004 ay “fake” na ewan ko naman bakit ngayon lang siya nagsalita gayong kung alam niya na peke, dapat noon pa siya pumiyok. After almost a month naman ay kasunod ang kasalan nila sa Tagytay.

Ewan ko kung sa gusot nina Claudine, Raymart, Gretchen at Marjorie at maging ng mga magulang nila at mga kapatid ay maaayos pa ito. Gumuho na kasi ang tingin ng publiko sa pamilya Baretto. ‘Di nga ba’t ang tawag sa kanila, Pamilyang Dysfunctional? Mga isda sila mga isa sa aquarium na dinudutdut, tinitingnan at basta, naaaliw ang sambayan sa mga kabaliwan nila na ang ending, sila rin ang talo.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING