Claudine Barretto, nagdawit pa ng iba sa away nilang magkakapatid

ADVERTISING

Claudine Barretto, nagdawit pa ng iba sa away nilang magkakapatid

Claudine-BarrettoKUNG MINSAN, nakapapagod na ring magbasa at maki-update sa awayan ng magpapamilya, lalo na ng magkakapatid na Barretto. Kasi, kanya-kanyang laglagan at lantaran ng baho sa publiko.

‘Yung pag-aaway nina Claudine Barretto vs her sisters Marjorie and Gretchen ay may bago everyday. ‘Yung kay Raymart Santiago tungkol sa ipinaglalaban nitong custody sa mga anak, ‘yun ang normal. Pero ‘yung magkakapatid? Parang masakit na sa bangs.

At ang nakakalokah pa, pati ang nananahimik na si Recom Echeverri ay nadamay na rin. Idinawit na rin ito ni Claudine, dahil nga nagsasagutan na sila ni Marjorie, eh.

Sana, pumasok na sa picture ang mga parents nila para ayusin ang gusot ng pamilya. ‘Wag nang kakampi kay Claudine, dahil lalong walang maa-achieve ang mga Barretto.

ADVERTISING

Tapos, ‘eto nga, pati si Atty. Ferdinand Topacio ay hindi na lang basta pumapapel bilang legal counsel ni Claudine. Binibira na rin nang personal ang mga kalaban ni Claudine. That’s very unbecoming of a lawyer na lumalabas na sa premise ng kanyang trabaho.

Hanggang saan kaya hahantong ang usaping ito? Alam kong may katapusan din ito, pero mukhang hindi sa lalong madaling panahon, dahil mukhang maiinip lang tayo sa paghihintay kung ganyang walang miyembro ng pamilya ang gustong pag-ayusin ang magkabilang kampo.

Bagkus, may mga sumasahog pa.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING