Claudine Barretto, nagbanta sa nanakit sa anak na si Santino: ‘Manginig kayo sa gagawin ko!’

ADVERTISING

Claudine Barretto, nagbanta sa nanakit sa anak na si Santino: 'Manginig kayo sa gagawin ko!'

Claudine Barretto and son Santino
Claudine Barretto and son Santino

Nag-post ng picture si Claudine Barretto ng right arm ng anak na si Santino na namumula pati ang resulta ng check up ng bata.

Halatang galit na galit si Claudine sa kanyang post dahil matapang ang kanyang mga naging pahayag.

“Nagkamali kayo ng SINAKTAN!!! You hurt my son PHYSICALLY GOD FORGIVE ME SA ANONG GAGAWIN KO SA INYO!!!

Sinundan pa niya ito ng “I swear with my life mga animal kayo!!! I WILL SEE YOU IN COURT!! God forbid makaharap ko isa sa inyo baka MAPATAY KO KAYONG LAHAT!” at “Makalabas lang si Saint ng OSPITAL MAGTAGO NA KAYO!!!” at “Kumalma ako??? Sinaktan nyo 10 years old ang tatanda nyo na mga hayop kayo! Manginig kayo sa gagawin ko.”

ADVERTISING

Ayon pa sa aktres, twinist ang right arm ng kanyang anak at hindi raw siya titigil hangga’t hindi nagso-sorry ang may sala.

“Ang akin lang MAG SORRY SILA SA ANAK KO AT SA AKIN. Sobrang laki ba ng hinihingi namin? Sinaktan si Saint d biro patulan mo ang 10 years old.

“Sana nga maipaglaban nya (Raymart) anak nya kahit minsan lang sa buhay nya. Pamilya nya kasi yun kaya malamang gusto nya walang gulo pero puwede ba namang palagpasin dahil lang pamilya nila????!!!” post pa ng aktres.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING