Claudine Barretto may patama sa mga nagmamalinis: ‘Practice what you preach’

Leo Bukas

BUMALIK NA sa paggawa ng pelikula ang aktres na si Claudine Barretto nitong Linggo, December 13. Balik-acting si Claudine sa pelikulang Mamasapano SAF 44 mula sa direksyon ni Lawrence Fajardo.

Sa pelikulang inspired ng true-to-life events ay cameo role lang ang partisipasyon ni Claudine. Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Aljur Abrenica, JC de Vera, Edu Manzano at marami pang iba.

Claudine Barretto may patama sa mga nagmamalinis: ‘Practice what you preach’
Claudine Barretto

“I will play Erika Babalina, just a came role, short lang talaga. Please support our movie,” pahayag ni Claudine sa ginanap na shooting sa Pampanga.

Marami naman ang naintriga sa latest post ng aktres sa kanyang Instagram account na may caption na, “Some people aren’t really all that they “post” to be.”

Sinundan pa ito ng isang post na, “PRACTICE WHAT YOU PREACH. Some people kasi use GOD, they live a double life. Yung nagmamalinis.”

Sino kaya ang pinatatamaan dito ni Claudine?

Anyway, huling napanood si Claudine sa Star Cinema movie na Etiquette for Mistresses na idinirek ni Chito Rono noong 2015. Kasama ni Claudine sa pelikula sina Iza Calzado, Kim Chiu, Cheena Crab at Kris Aquino.