Claudine Barretto, maraming ilalabas na baho ng pamilya Santiago

ADVERTISING

Claudine Barretto, maraming ilalabas na baho ng pamilya Santiago

Claudine Barretto, maraming ilalabas na baho ng pamilya SantiagoANO NA naman itong presscon ni Claudine Barretto na nagsalita na naman tungkol Raymart Santiago at pati pamilya ng aktor ay dinamay na niya.

Nagalit daw ito sa mga sinabi ni Randy na tipong maglalabasan ng baho. Sabi ng aktres, kung maglalabasan ng baho, marami siyang puwedeng ilabas sa pamilya Santiago.

Puwede raw tanungin si Sherilyn Reyes na dating asawa ni Junjun Santiago na kapatid ni Raymart.

Tinawagan nga ng taga-Startalk si Sherilyn para hingan ng komento tungkol diyan, pero ayaw namang magsalita nito.

ADVERTISING

Siyempre tatanggi ‘yun dahil hindi naman siya mahilig makisawsaw sa isyu ng iba, lalo na itong kay Claudine.

Siyempre kaya ni Claudine maglabas ng baho dahil gawain na nilang pamilya ‘yan!

Kaya manginig na raw sina Randy at baka siya raw ang maglabas ng baho, tiyak daw na aalingasaw ito.

Kayang-kayang gawin ‘yan ni Claudine.

Kaagad na hiningan ng Startalk ng reaksyon si Raymart at ang abogado nito pero tumanggi ang aktor.

Nagbigay lang ng statement ang abogado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo at sinabi nga niyang may gag order at dapat daw na respetuhin ‘yun.

Ewan ko ba kay Claudine, kung ano ang pagkaintindi niya ng gag order. Hindi ba ‘yan nasasabihan ni Atty. Ferdie Topacio?

Du’n nga sa presscon niya, nandu’n pa si Mr. Lauro Vizconde na sumusuporta raw sa kanya. Eh, kliyente pala ito ni Atty. Topacio kaya siguro pinapunta siya ro’n.

Nu’ng kamakalawa lang ay nasa taping pala si Raymart ng One Day Isang Araw at special guest du’n si Raymart.

Claudine Barretto, maraming ilalabas na baho ng pamilya SantiagoPero nakiusap ito sa mga taga-Startalk na huwag na siyang interbyuhin dahil kailangan daw nilang sundin ang gag order. Hayaan na raw si Claudine kung ano ang gusto niyang gawin at sabihin.

Alam ko, merong hearing uli ngayong linggo, kaya tingnan natin kung ano ang reaksyon ni Claudine sa pagsasalita na naman nito.

 

Protégé winners Thea Tolentino at Jeric Gonzales, bida na sa teleserye

 

MAGSISIMULA NA pala ngayong araw ang bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Pyra na pagbibidahan ni Thea Tolentino.

Produkto ng Protégé si Thea at leading man niya rito si Jeric Gonzales na winner din sa talent-reality search na ‘yun.

Ang daming tumataas ang kilay bakit daw pinagbida agad si Thea gayong wala pa itong napapatunayan.

In fairness naman sa batang ito, magaling siya kaya nga ‘yun ang edge niya kaya nanalo ito sa Protégé.

Si Jeric naman, lalong gumuwapo kaya puwede na talagang silang isabak sa mga ganitong project. Abangan na lang natin.

Itong Pyra ay ipapalit sa timeslot ng Kakambal ni Eliana.

Ngayong umaga rin pala magsisimula ang bagong reality-show na tandem ng parent at ng kanilang anak, na Anak Ko ‘Yan na ihu-host ni Jennylyn Mercado.

Kasama nga ni Jennylyn na nagpu-promote ang anak niyang si Alex Jazz at nakita namin sa Startalk, lalong gumuwapo ang bagets.

Alagang-alaga ni Jennlyn ang anak niya, at kahit kamukhang-kamukha ito ni Patrick Garcia, si Jennylyn lang ang makapagsabing “anak ko ‘yan” kasi mukhang sa kanya na lang talaga at hindi na raw ito nadadalaw ni Patrick.

Ayaw pag-usapan ito ni Jennylyn kaya “okay na kami” lang ang sagot niya kapag tinatanong tungkol kay Patrick.

Katapat pala ng programa ni Luis Manzano itong Anak Ko ‘Yan ni Jennylyn.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING