Claudine Barretto, mala-Dabiana na kaya wala nang projects?!

ADVERTISING

Claudine Barretto, mala-Dabiana na kaya wala nang projects?!OLA CHIKKA! SA sobrang dami kong chismax ay kamuntik ko nang ma-left behind ang issue sa dating “Teleserye Queen” na ngayon ay “Denial Queen” na lamang. Bhuket?! Dahil panay ang palusot niya o sour-graping ba kung tawagin ang hindi pagkakatuloy ng mga project niya. Sino siya? Walang iba kung hindi si Claudine Barretto!

Ang ipinagpipilitan niya ay hindi siya gagawa ng project kung kasama itong si Mark Anthony Fernandez, pero ayon sa aking parazzi girl, kaya raw laging kanselado ang kanyang mga projects ay dahil sa pagkakahawig niya kay DABIANA, Ha-ha! Dabiana raw oh! Joke, joke, joke!

ADVERTISING

Dahil sa katabaan nitong si Claudine ay pinagre-reduce muna bago ituloy ang project. Kesyo, gagamitin pa niya ang galit kay Mark Anthony… excuse me pow! Magpapayat ka muna Claudine para mas bongga ang beauty mo!

Tingnan mo itong si Mark Anthony na mukhang naitadhana na sa kanyang palad ang makapareha ang malulusog na babae na ngayon ay ka-loveteam na naman ang isang matabang ibon. Ha-ha!

BEAUTY BA KAMO?! Eh, anong say n’yo rito sa beauty ni Melanie Page na mukhang naagawan ng kagandahan ng Aegis?! Bhuket? Dahil itong si Melanie Page pala ang original na nagpasikat ng kantang “Luha” noong 70’s na pinangalandakan na ng Aegis na sa kanila ang awitin na iyon.

ADVERTISING

Napag-alaman ko rin na kababalik lang nitong si Melanie mula ibang bansa kaya ngayon lamang niya na ibinulgar ang pag-aangking ginawa ng Aegis… hmmm!! Ang taray at may agawang nagaganap! Say n’yo? Say ko?! Tingnan na lang natin kung sino sa kanila ang luluha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya?! Sino itong young actor na produkto ng isang talent search program na napapabalitang mabenta sa mga bading at kapalit ng performance ay sapatos lamang?!

Ganito nga ‘di ba… ayon sa aking parazzi girl, itong young actor daw ay baliw na baliw sa mga sapatos kaya naman dinaig pa niya si Imelda Marcos sa dami ng kanyang signature collections, bonggacious ‘di ba?!

Kaya naman tanong ko lang… sapatos lang ba ang bayad sa iyo or may kasama talagang datung at ang mga sapatos ay souvenir na lamang? Wow sweet!!

Sino itong young-actor na mabenta sa mga bading kapalit ng sapatos?! Gusto n’yo ng clue?! Wah ako clue, pero question meron ako… kasing BAD BOY rin kaya ang performance niya sa churva tulad ng sa dance floor?! Hmmm… ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING