Claudine Barretto, lutang na lutang ang acting sa bagong pelikula

ADVERTISING

Claudine Barretto, lutang na lutang ang acting sa bagong pelikula

Claudine-BarrettoCERTIFIED BOX-OFFICE success ang pelikulang Etiquette For Mistresses ni Direk Chito Roño ng Star Cinema. Kakaibang acting ang ipinamalas nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado, Kim Chiu, and Cheena Crab. Actress na ngang maituturing si Kim sa outstanding performance na ipinakita niya sa pelikula. Na-surprise kami kay Claudine, mas magaling siya ngayon compared sa past movies na nagawa niya.

ADVERTISING

Nag-swak kay Claudine ang character na pino-portray niya as Chloe, dalang-dala niya ‘yung role. Alam niyang dalhin si Chloe sa mga eksenang madrama at nangangaral sa mga kaibigan niyang mistresses. Lutang na lutang siya sa mga kasama niyang artista. Maging si Cheena na kilala as comedienne, magaling din pala sa drama. Nabigyan ng justice ni Direk Chito ang mga papel nina Kris, Claudine, Iza, Kim, at Cheena. Nakakapanibago ang acting ni Kristeta, mukhang binantayan siya ng award-winning director sa kanyang mga eksena para maging makatotohanan pati sa pagbibitiw ng linya.

Maganda ang kabuuuan ng Etiquette For Mistresses kaya ito kumita. Makabago ang approach na ginawa ni Direk Chito sa kanyang mga artista. Hindi babad ang mga eksena, mabilis ang facing ng pelikula. Maging si Direk Wenn Deramas ay nag-enjoy at nagustuhan niya ang EFM. Happy siya sa anak-anakan niyang si Claudine Barretto sa comebacking movie nito with Direk Chito. Next film ng actress, si Direk Wenn ang magdi-direk under Viva Films.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING