Claudine Barretto, lumipat na sa Siyete! – Gorgy’s Park

ADVERTISING

Claudine Barretto, lumipat na sa Siyete! – Gorgy’s ParkSAFE NA SAFE naman ang sagot ni Rhian Ramos tungkol kay JC de Vera nang nakatsikahan namin ito sa press launch ng Belo Medical Group nu’ng kamakalawa ng hapon.

Sinabi kasi ni JC nu’ng nag-pictorial ito sa bagong Christmaserye ng GMA 7 na Sana Ngayong Pasko na wala na silang komunikasyon ni Rhian at tingin daw niya merong pumipigil kaya naudlot ang maganda sanang relasyon nilang dalawa.

ADVERTISING

Sabi naman ni JC, gusto rin niyang makasama uli si Rhian at wala naman daw problema sa kanya dahil work lang naman daw ang sa kanya.

Wala ring problema kay Rhian kung sakaling pagsamahin sila uli ni JC pero aminado itong naudlot nga raw ang kanilang relasyon dahil sa dami ng trabaho, hindi sa dahilang merong pumipigil sa kanila.

“Ewan ko kung may pumipigil. Pero sa mga desisyong nagawa ko sa buhay ko, I’ve decided to remain single. So, ewan ko kung bakit recently hindi naging maganda. Pero matagal na akong nag-decide na maging single na lang, eh,” pa-safe na sagot ni Rhian.

ADVERTISING

Okay raw sana ang simula nila nu’ng nagsama sila sa La lola pero pagkatapos nito ay hindi na raw natuloy at naudlot na ang sinasabi nilang maganda sanang relasyon.

Hindi na in-elaborate ni Rhian kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni JC pero nilinaw naman nitong okay silang dalawa. Pero wala na nga raw silang komunikasyon sa isa’t-isa.

Sa dami raw ng ginagawa niya, wala na raw siyang panahong makipagtawagan dahil sa libreng oras niya ay itutulog na lang daw niya.

Sa ngayon, abala siya sa pagtatapos ng Stairway to Heaven, at nagpapasalamat ito sa magandang rating ng naturang GMA Telebabad kaya nagpa-thanksgiving na nga sila kahapon.

Napatunayan na rin nila ni Dingdong Dantes na may magandang chemistry silang dalawa. Pero base naman sa mga sagot nila ay parang mas type nilang iba na naman ang gusto nilang makasama sa mga susunod nilang project.

Si Dingdong ay type nitong makasama uli si Marian at sey naman ni Rhian, hindi naman daw siya namimili. Kung ano ang ibibigay ng GMA-7 sa kanya, tatanggapin niya ito dahil mas alam daw ng GMA-7 kung sino ang nababagay sa kanya.

Pero kahit matatapos na ang Stairway, magsasama pa rin sila ni Dingdong bilang endorser naman ng BeloMed.

SA SOP SA darating na Linggo, ilu-launch na si Bayani Agbayani bilang bagong Kapuso at ang susunod naman ay si Claudine Barretto.

May mga narinig kaming may sama ng loob daw si Claudine sa Kapamilya network kaya itinuloy na nga ang paglipat nito.

Kahapon nga ng hapon, pumirma na si Claudine ng 2-year exclusive contract sa GMA Network. Present sa contract signing ni Caludine sa Kapuso network sina Atty. Gozon, Jinny Duavit at Ms. Wilma Galvante. Sinamahan si Claudine ng kanyang mommy at daddy.

Abangan na lang kung sino pa sa kabila ang susunod na lilipat sa GMA-7.

Totoo kayang si Sunshine Dizon naman daw ang lalayas ng GMA-7 at lilipat naman ng ABS-CBN 2?

May tsika sa akin si Mommy Dorothy ni Sunshine, pero sa susunod ko na lang daw muna isulat dahil nakikipag-usap pa rin ito sa GMA-7.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING