Claudine Barretto, kinumpirmang lumayas na si Raymart Santiago sa kanilang bahay

ADVERTISING

Claudine Barretto, kinumpirmang lumayas na si Raymart Santiago sa kanilang bahay

Claudine Barretto, kinumpirmang lumayas na si Raymart Santiago sa kanilang bahayNASA LIMELIGHT na naman si Claudine Barretto. Sa kanya na mismo nangaling ang confirmation na lumayas na ang mister na si Raymart Santiago sa kanilang tahanan.

Kung dati-rati’y deadma ang aktres sa mga naglabasang mga kuwento tungkol sa hiwalayan nila, this time, straight from the horse’s mouth, sa kanya na mismo nagmula ang kuwento.

Maging sa birthday party ng anak ng aktres na si Sabina, hindi nagparamdam si Raymart. Kahit text message o tawag sa “anak” hindi nito nagawa.

Mula nang natuluyan ang hiwalayan ng dalawa, hindi na nagparamdam si “Mister” kay ‘Misis”.

ADVERTISING

Sa sitwasyon nina Claudine at Raymart ngayon, tila mas enjoy pa yata ang aktor sa pag-aasikaso ng kanyang bagong bukas na restaurant kung saan siya mismo ang nag-plan ng menu.

On the side, kumusta na kaya ang demandahan nila ng journalist na si Mon Tulfo?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING