Claudine Barretto, kinakarir ang pagpapayat para magawa na ang pelikula

Claudine Barretto, kinakarir ang pagpapayat para magawa na ang pelikula

Claudine-BarrettoAGAW-EKSENA si Claudine Barretto nang dumating ito sa 18th birthday party ni Julia Barretto kamakailan lang. Nagbalik uli ang ningning ng actress ng gabing ‘yun. Kapansin-pansin ang kakaiba niyang ganda with her black gown na bumagay sa kanyang personality.

Very positive na ngayon ang attitude ni Claudine, ayaw na nitong magpaapekto sa mga negative issues na ibinabato sa kanya. Hindi maiwasang itanong sa actress si Gretchen Barretto na alam naman nating may alitan silang magkapatid. Ang tanging nasabi ni Claudine, “Okay na ‘yun, huwag na lang natin pag-usapan.” Ayaw nang mag-comment ng controversial actress sa issue na pinagdaraanan nilang magkakapatid.

Naka-focus ngayon si Claudine sa comebacking movie gagawin niya with Wenn V. Deramas. Ang balita namin, malabo raw si Piolo Pascual as leading man ng actress dahil may pelikula itong gagawin with Sarah Geronimo under Viva Films at Star Cinema. If ever, si Derek Ramsey ang choice ni Direk Wenn for Claudine kung tatanggapin ng actor ang offer ni Boss Vic.

Right now, ayaw ni Claudine na ma-nega kaya iwas na lang ito sa mga negative issues at controversies. Kung tungkol naman sa kaso nila ng ex-husband na si Raymart Santiago ang tatanungin, ayaw na niyang pag-usapan pa ‘yun. Hayaan na lang daw ang korte ang magdesisyon.

Ang mahalaga ngayon kay Claudine, ang pagbabalik-pelikula niya sa Viva at Star Cinema. Gusto niyang mag-concentrate sa trabaho kaya’t dibdiban ang ginagawa nitong pagda-diet at exercise. Hindi sisimulan ni Direk Wenn ang movie nila together hanggang hindi in perfect shape ang katawan ng magaling na actress.

Nangako naman si Claudine kina Boss Vic del Rosario at Direk Wenn nang mag-meeting sila sa Viva office for her comeback movie na kakakirin niya ang pagbabawas ng timbang bago sila mag-shooting. Tinotoo ng actress ang kanyang pangako, almost everyday ay nag-i-exercise at nag-gym ito. Makikita sa Facebook account ni Claudine na malaki na nga ang ipinayat nito. I’m happy for her, I wish magbalik-uli ang magic ng tandem nina Claudine at Direk Wenn sa takilya. ‘Yan ang dapat nating abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield