Claudine Barretto, kakasuhan na rin si Gretchen Barretto?!

ADVERTISING

Claudine Barretto, kakasuhan na rin si Gretchen Barretto?!

Claudine Barretto, kakasuhan na rin si Gretchen Barretto?!HINDI PALA nakadalo si Raymart Santiago sa hearing ng kaso nila ni Claudine Barretto kahapon dahil may pictorial ang aktor para sa Villa Quintana. Natipa ko na ito nang maaga pero alam kong hindi siya dadalo dahil hapon kasi ang calltime niya sa pictorial.

Sabi naman ng ilang taong malapit sa kanila, hindi naman daw kailangan si Raymart dahil magsa-submit lang daw si Claudine ng sagot sa counter-affidavit ni Raymart sa kasong Anti-VAWC na isinampa ng aktres.

Matindi kasi ang mga rebelasyon ni Raymart sa counter-affidavit niya kaya malamang na matindi rin ang sagot ni Claudine, ‘di ba?

Ang dinig ko kasi, kasama ngayon ang Mommy Inday niya dahil may sariling statement din ito bilang sagot sa mga statement nina Gretchen at Marjorie Barretto.

ADVERTISING

Ang sabi pa nga ni Atty. Ferdie Topacio, baka kasuhan na rin daw ni Claudine si Gretchen dahil sa mga sinabi nito tungkol sa pagpapa-rehab diumano n Claudine. Tinitingnan pa raw nila ang mga possibilities, kaya abangan na lang natin.

Talagang aabangan pa ba ‘yan?! Nakakaloka na, huh! Ang tagal nang tinatakbo ng drama ng mag-asawang Raymart at Claudine, at napagsawaan na nga. Pero pinapanood pa rin kasi at sinusubaybayan ng publiko kaya balita naman tayo nang balita.

Hay, naku! Nakakaloka na ang pamilyang ‘yan!

 

Claudine Barretto, kakasuhan na rin si Gretchen Barretto?!ANG SUWERTE naman ni Dingdong Dantes, dahil madali sa kanya ang nakatatawid sa ABS-CBN 2 kahit nakakontrata pa siya sa GMA-7. May bago na naman kasi siyang pelikula sa Star Cinema, ang She’s The One, kung saan katambal niya si Bea Alonzo, at kasama rin si Enrique Gil.

Bale pangatlong pelikula na niya ito sa Star Cinema na suportado pa ng GMA-7, ha! Nu’ng nagpa-presscon nga ito nu’ng kamakalawa ng gabi, pina-cover ito sa GMA-7 para ma-promote din sa Kapuso Network.

Sa susunod na linggo nga magkakasunod na ipalalabas ang dalawang malaking project niya. Sa Lunes ang pilot episode ng Genesis sa GMA-7 at pagdating ng Miyerkules, showing naman ng She’s the One niya.

Kaya, magpu-promote siya sa GMA-7 ng Genesis, at sa ABS-CBN 2 naman magpu-promote siya ng She’s the One.

Makapagpo-promote pa nga siya ng pelikula niya sa GMA-7, pero sa ABS ba makapagpo-promote siya ng Genesis? Siyempre hindi puwede!

Pero nagpapasalamat si Dingdong sa GMA-7 dahil sa all-out na suportang ibinigay sa kanya sa lahat na mga projects na ginagawa niya.

Sabi naman ni Dingdong, forever siyang loyal sa GMA-7 at mananatili raw siyang Ambassador ng Kapuso Network. Bongga, ‘di ba?

Abangan n’yo pala sa Startalk ang exclusive interview ni Ricky Lo kay Dingdong para sa promo ng Genesis. Kasama niya rito si Marian Rivera para pag-usapan na ang susunod na aabangan sa kanilang relasyon. Sasagutin na kaya nila ang kasalan na maaaring mangyari next year?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING