Claudine Barretto, kakasuhan ang pamangkin ni Raymart Santiago sa pananakit sa anak nilang si Santino

ADVERTISING

Claudine Barretto, kakasuhan ang pamangkin ni Raymart Santiago sa pananakit sa anak nilang si Santino

X-ray result of Santino’s fractured arm
X-ray result of Santino’s fractured arm
Claudine Barretto, Raymart Santiago and son Santino
Claudine Barretto, Raymart Santiago and son Santino

Akala ko, okey na sina Claudine Baretto at ang mister niyang si Raymart Santiago. In short, okey na malapit na silang magkabalikan after ng magulo nilang awayan.

Sa ilang photo postings ng aktres sa kanyang social media account, tila regular na silang nagkikita ng mister kasama ang mga anak nilang sina Sabina at ang 9 years na si Santino. Until pumutok nga ang balita recently tungkol sa pananakit ng kamag-anak ni Raymart sa anak nila ng aktres nang makita ang pulang marka sa braso nito.

Ang pinagbinbintangan ni Claude na may kagagawan ng pamamaga ng braso ng anak ay ang 27 years old na pamangkin ni Raymart na si Raphael Santiago.

Sa kanyang IG account, hinahamon ng aktres si Raymart. Sa pagkakasulat ng aktres: “Ano @raymartsantiago ba’t ka nagtatago. Ready na ba kyo sa ginawa nyo sa anak ko?”

ADVERTISING

Sa IG ng aktres, ipinost ni Claudine ang x-ray result ng doctor at isinulat na: “@raymartsantiago ayan, inexplain sa yo ng doctor both in English and Tagalog na maga ang right arm ni Saint, Kaya kung ako sa iyo itgs mo ns ysng Raphael Santiago na pamangkin o n 27 years old kasi nasa akin ang medico legal. See you in court.”

Kung saan na naman hahantong ang isyung ito na kinasasangkutan ng mag-asawang Claudine at Raymart, abangan na lang natin ang pagpapatuloy ng kuwento at teleserye ng dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING