Claudine Barretto, itinigil muna ang annulment case nila ni Raymart Santiago

ADVERTISING

Claudine Barretto, itinigil muna ang annulment case nila ni Raymart Santiago

Claudine-BarrettoHindi na  muna matutuloy ang proseso ng annulment nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

ADVERTISING

Ito mismo ang ini-reveal ni Claudine sa pagharap niya sa entertainment press para sa presscon teleseryeng “Bakit Manipis Ang Ulap?” na joint venture ng TV5 at Viva Communications, Inc.

“Stop muna kami sa annulment. Kasi, ano po… kami ni Raymart ngayon, we’re really very good friends now.

“We’re really trying our best talaga to be good parents kasi nga nag-fail na po kami as husband and wife, so we don’t wanna fail naman as parents sa mga anak namin. Napag-usapan namin na i-stop na lahat-lahat ng mga kaso and mag-co-parenting na lang kami sa pagpapalaki ng mga anak namin,” pahayag niya.

ADVERTISING

“Sabi ko kasi sa kanya na ‘ano, mag-a-annulment na ba tayo, may girlfriend ka na ba?’ Sabi niya, hindi na raw siya ikakasal. Sabi ko, ayoko na rin (magpakasal).

“So, sabi niya, stop muna natin, ‘wag muna tayong mag-annulment, kasi ‘yung kids ngayon lang nila nai-enjoy kami ulit together, paminsan-minsan, like sa school or kumakain sa labas,” dagdag pa ng aktres.

Pinayagan na rin daw niya ang mga anak na magpunta sa place ni Raymart lalo na noong may sakit ito.

“‘Pag nag-jump po kami sa annulment na ‘yon, mabubuwag ulit ‘yung foundation na ‘yon. Kasi mag-uungkatan na naman, so, wala, ayaw na muna namin, total wala naman siyang girlfriend, wala naman akong boyfriend, at hindi na rin naman kami magkakabalikan, so okey na lang din.”

Kasama ni Claudine sa “Bakit Manipis Ang Ulap?” sina Meg Imperial, Diether Ocampo, at Cesar Montano.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING