Claudine Barretto, itinangging nagkakalabuan na sila ni Raymart Santiago

ADVERTISING

Claudine Barretto, itinangging nagkakalabuan na sila ni Raymart Santiago Claudine Barretto, itinangging nagkakalabuan na sila ni Raymart SantiagoITO TALAGANG SI Kris Aquino ayaw paawat at gusto pang nakawan ng eksena ang nalalapit na oath-taking ng kapatid niya.

Ang pag-uusapan dapat sa inauguration ng President-elect Noynoy Aquino ay ang oath-taking nito at ang pagsisimula ng Aquino administration, pero sumabay naman itong isyung problema na naman nina Kris at James na sinusubaybayan na naman ngayon.

ADVERTISING

Ayaw magsalita ni Kris sa ngayon dahil hindi naman daw ito magandang pag-usapan pero magpapaalam naman ito sa The Buzz sa Linggo at ganu’n din sa Showbiz News Ngayon, kaya siyempre ‘yun ang aabangan kung ano ang sasabihin nito tungkol sa tunay na kalagayan nilang mag-asawa.

Ewan ko lang kung pagsasabihan ito ng mga kapatid niya na manahimik na lang talaga para hindi naman mang-agaw ng eksena sa inauguration ni Noynoy.

Ang isa tuloy sa aabangan mo sa oath-taking sa June 30 ay kung dadalo ba si James.

ADVERTISING

Si James naman ay hindi talaga nagsasalita kaya ang maririnig lang natin kung sakali ay ang bersyon ni Kris.

Hay, naku! Sana hindi naman pagdaanan ngayon ni Pres. Noynoy ang problema nila kay Kris na hinarap noon ng Mommy nila noong presidente pa ito.

ANG ISA PANG narinig ko ngayon na medyo nagkakalabuan na rin daw ay ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto?

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang exclusive interview namin kay Claudine dahil sinagot naman niya ang isyung ito na hindi naman daw totoo.

Nagulat daw siya kung saan nanggaling ang isyung iyan dahil okay na okay raw silang mag-asawa. Meron kasing nagkuwentong nagpapahanap daw si Claudine ng isang condo-unit kaya napagdudahan itong baka makipaghiwalay na ito sa asawa niya.

Si Raymart naman tahimik lang iyan, kaya hindi na niya papatulan ang isyung iyan.

Ang sabi naman ni Claudine, malabong mangyari iyan dahil hindi naman daw sila nag-aaway na mag-asawa.

May nagkuwento pa kasing dumalaw minsan si Claudine sa set ng Diva, kung saan isa sa mga artista du’n si Mark Anthony Fernandez.

Sabi naman ni Claudine, dumalaw nga raw siya roon pero nakalimutan nga raw niyang kasali pala roon si Mark.

Ang sadya raw niya roon ay si Direk Dominic Zapata na close friend niya. Meron lang daw siyang ibinigay sa kaibigang direktor pero wala naman daw si Mark nu’ng dumating siya.

Magkalapit daw kasi sila ng set na pinagteypingan kaya dumaan na lang siya. Pero sey ni Claudine kung sakaling nandu’n si Mark, hindi naman daw siya bababa ng sasakyan.

Kinlaro rin ng aktres na lagi silang nagba-bonding na pamilya kaya maayos daw ang kanilang pagsasama.

Every Saturday daw ay may family gathering sila, kung saan kumpletong dumadating doon ang Santiago at Baretto family. Siyempre si Gretchen Baretto lang ang wala. Pero masaya raw silang nagsasama at wala raw silang kapruble-problema.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING