Claudine Barretto, insecure kay Gretchen?!

OLA CHIKKA! NAIS kong i-congratulate itong first Pilipinas Got Talent winner na si Jovit Baldivino sa kanyang winning piece na Too Much Love Will Kill You ng Queen na talaga namang napakagaling at hindi mo na kailanganin pang magtanong nga ng “bakit”, ‘di ba?

Parang superstar ang dating ngunit sabi ko ‘parang’ lang ha? Dahil parehas silang maliit ng Superstar Nora Aunro at kung titingnan ay aakalain mong walang dating ngunit once na hawak na ang mikropono at magsimulang kumanta ay mapapa-wow ka talaga!

Nasubaybayan ko ang unang salpak niya sa show kung saan ay napaiyak pa niya si Ai-Ai de las Alas nang sabihin niyang may sakit na Tuberculosis ang kanyang ama na nais niyang tumulong, kaya mula sa eskuwela ay diretso agad ito sa pagtitinda ng mga siomai upang kahit papaano ay makaipon pambili man lang ng gamot.

Nakatutuwa ang kanyang layunin at ang pagiging mapagkumbaba, na ang nais lamang ay matulungan ang magulang sa abot ng kanyang makakaya na nagpapatunay lamang na ang mga Pinoy ay hindi lamang talentado kung hindi may
likas na mabuting puso.
NGUNIT ANO ITONG nabalitaan ko mula sa mga Vilmanians na sumama raw ang loob nila dito kay Jovit dahil umano sa pagbaliktad nito noong kampanya sa Batangas? Ang chikka ay naunang kumanta si Jovit para kay Vilma Santos sa halagang P10, 000.00 ngunit nang tumaas sa P30, 000.00 ang talent fee sa kampo ng kalaban ay agad nawala sa panig ng mga Vilmanians dahil sa kagustuhan daw ng mga magulang. Ay, mukhang hindi maganda ito ha?!

Next Sarah Geronimo ba ang drama ng batang ito na kung manduhan ng magulang ay ganu’n-ganu’n na lang?! Mukhang hindi naman dahil may sakit nga ang kanyang ama kaya’t intindihin na lang natin kung ganu’n ang nang-yari noon. Pero isa lang ang aking masasabi… mas gugustuhin kong itong si Jovit ay ihalintulad sa one and only Superstar ng Pilipinas na si Nora Aunor kaysa naman dito kay Melai Cantiveros! Ha-ha!

MULA NANG BUMALIK naman sa telebisyon itong si Claudine Barretto, hindi na siya masyadong napag-uusapan at kung may maririnig ka ngang update sa kanyang career, puro negative na ito. Kesyo laos na raw at napakataba, napakasama ng ugali at napaka-maldita pa.

Kung anu-anong panlalait na wala man lang kasamang pagpuri kahit isa. Kaya naman may naririnig-rinig akong chikka na nagsisi raw umano ang istasyong kumupkop sa kanya dahil hindi naman nag-rate ang mga palabas na ginagawa niya.

Hmmm…. Eh, ano na lang ang laban niya sa kanyang kapatid sa kabilang istasyon na laging pinag-uusapan at sa nalalapit ng pagpapalabas ng teleserye, ano na lang kaya ang sasabihin nitong si Claudine? Magwawalk-out na naman kaya siya gaya ng ginagawa niya sa tuwing naririnig ang pangalan ng kapatid?! Wala namang ampalaya dito bakit ang pait? Insecure?!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG!

Sino siya? Sino itong young actress na napapabalitang nagpadagdag ng boobs? Sabagay, hindi na ito bago dahil maraming artista ang nagpaparetoke. Ngunit dito sa young actress na ito ay hindi bumagay at halatang peke dahil hindi proportion sa katawan, at sa patpatin niyang mga braso, hindi naman yatang magandang tingnan ang malaman niyang hinaharap! Ha-ha!

Ano, kailangan n’yo pa ba ng clue eh, sobrang given na! Dapat sana sa mga braso at buong katawan siya nagpalagay ng laman, hindi sa boobs niya! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleUnder The Jacket (Kris Bernal)
Next articleConnecting People! (Angelica Panganiban)

No posts to display