Claudine Barretto, inalis na ang mga kanegahan sa buhay

Claudine Barretto, inalis na ang mga kanegahan sa buhay

Claudine-BarrettoPOSITIVE NA ang pananaw sa buhay ni Claudine Barretto. Gusto niyang itama ang mga bagay-bagay na nagawa niya in the past. Friends na sila ngayon ng ex-husband niyang si Raymart Santiago. Nagkita at nagkausap na sila tungkol sa mga bata. Kung naging controversial issue ang paghihiwalay nilang mag-asawa, tapos na raw ‘yun. Ang importante, nagkapatawaran sila pareho para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.

Blessing para kay Claudine ang pagbabalik-Star Cinema niya para sa pelikulang Etiquettes For Mistresses with Kris Aquino at Iza Calzado sa direksyon ni Chito Roño. Super excited ang actress dahil first time niyang makatatrabaho ang Queen Of All Media. Tuloy pa rin ang pagda-diet at exercise ni Claudine para maganda siyang tignan on the big screen. Ito kasi ang comebacking movie ng controversial actress and I’m sure marami ang curious na panoorin siya.

Aktingan daw to the highest level sina Claudine, Iza, at Kristeta. May acting workshop pa muna bago simulan ang pelikula. Ang balita namin, kakaibang Kris ang gagawin ni Direk Chito kapag pinanood na natin ang bago nilang pelikula. Maging si Claudine, challenge sa kanya ang role dahil ngayon pa lang niya ito gagawin. Hindi man aminin ng award-winning director na pang-award ang ipakikitang galing ng tatlong bida, sigurado raw mai-in love tayo sa character na ipo-portray nina Claudine, Iza, at Kris.

Siyempre, expected na mas angat  at mas mahaba role ni Kris compared kina Claudine at Iza. Nang tanungin si Claudine tungkol dito, ang sabi niya, “Wala akong nakikitang problema kung mas mahaba or mas challenging ‘yung role ni Kris kaysa sa amin. Nasa director ‘yun, intriguing ang character naming tatlo. Happy ako, wala akong complain, ‘yun.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield