Claudine Barretto, in a rehabilitation center?!

ADVERTISING

 

 Claudine Barretto, in a rehabilitation center?!

 Claudine Barretto, in a rehabilitation center?! OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes! Now na! Nakakaloka ang mga intriga na talaga namang mawiwindang ka, dahil unti-unti nang naglalabasan ang mga nagpa-rehab.

Si Jiro Manio na dahil alam naman natin kung bakit nalulong sa masamang bisyo ang batang ito. Ito namang si Baron Geisler, talaga namang labas-masok sa rehab.

Nasabi nga nating labas-masok si Baron sa rehab ay dahil nga sa eksenang puwede pala siyang lumabas, ‘pag may event siya. Ang taray ng lolo mo, kahit naka-rehab, puwedeng magtrabaho. Sa bagay, hindi pa naman malala ang case niya.

ADVERTISING

Ito namang si Maricel Soriano na talaga namang lumantad na, at nakita nating lumabas sa Party Pilipinas. Ayan ang mga sinasabi ko sa mga nang-iintriga na ano ang sinasabi nila na wala akong kredibilidad magsulat, at hindi nila alam kung saan ko nakukuha? Ayan, nagpapatunay na lumantad na siya.

Kumustahin naman natin itong si Claudine Barretto. Kailan kaya siya lalantad para naman malaman din ng mga fans niya kung nasa’ng lupalop na siya. Nagpapa-rehab din kaya ito? Ano kaya ang eksena nito?

 

ISA SA MGA kaibigan ko dati si Ricky Rivero, pero ngayon ay ‘di ko na siya masyadong friend, hehehe! Dahil nga ang pagkakaalam ko, siya ang ipinalit sa akin sa pelikulang Petrang Kabayo. Bestfriend nga kasi ito ni Direk Wenn Deramas.

Heto ang chikka, dahil habang nagpo-programa ako, may nag-text sa akin na sinaksak nga itong si Sir Ricky Rivero ng kanyang ka-live in na si Ivan Ruiz. Nakakaloka! Almost 5 months lang silang magkakilala at nagkakilala lang pala ang dalawa sa Facebook.

Kung ako nga sa mga kapederasyon ko, magiging alert ako. Ito ngang si Ivan ay susuko na talaga. Noong pagsuko niya, dumating ang asawa ng lalaki, at nagulat nga ito na ang asawa niya ay pumapatol pala sa bading!

Heto na… kung tatanungin n’yo ako kung ano ang masa-sabi ko? Kung galit ba ako kay Ricky Rivero? Hindi naman ako masyadong galit sa kanya, dahil pareho lang naman kaming talent, ‘di ba? Kaya wala naman akong magagawa.

Kaya naman dapat maging alert tayo, mga kapederasyon ko, ‘di ba? Mag-ingat na lang tayo!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman ang aktres na ito na ubod ng kalandian? Kahihiwalay pa nga lang kasi niya sa ex-boyfriend niya, nali-link na naman siya sa isang TV host-actor na nasa kabilang istasyon. Hindi pa nga natatapos ang eksena niya, nali-link na naman siya sa kaibigan ng aktor.

Naku naman! Sino kaya ito na akala mo sa sarili niya, ubod siya ng ganda. Buti sana kung dalaga pa siya na walang junakis. Hahaha! Sino naman kaya ito. Hahaha! Kawindang!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING