Claudine Barretto humingi ng tawad sa panggo-ghosting kay Mark Anthony Fernandez

Leo Bukas

WALANG closure ang naging relasyon noon nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez na tumagal din ng 2 years. Ito ang inamin sa amin ni Claudine sa isang virtual interview para sa comeback movie niyang Deception.

“What happened kasi sa amin ni Mark was parang na-ghosting ko yata siya,” pagtatapat ni Claudine sa amin.  “Siguro, one day we just woke up na parang,  ‘Ah okey, mas importante ang career.’

Claudine Barretto humingi ng tawad sa panggo-ghosting kay Mark Anthony Fernandez
Claudine Barretto

“Kasi at 16, Mark and I are working together already and we were really very young. It was talagang young love, pero mapusok. We never had a closure,” kuwento pa ni Claudine.

Hindi rin daw sila nagalit sa isa’t isa pagkatapos maghiwalay.

Ani Claudine, “We never hated each other and we never spoke ill of each other ever. So, that’s the one thing na talagang gustung-gusto ko kay Mark because he never spoke ill of me ever.

“Sa lahat ng mga naging karelasyon ko si Mark ang pinakamabait… pinakamabait. Wala talagang masamang tinapay kay Mark – wala.”

Kinuha din namin kung ano ang reaksyon ni Claudine sa sinabi ni Mark sa isang interview na “love is lovelier the second time around.

“Narinig ko nga yan. Kagabi tinawagan ko siya. Sabi ko, ‘Mark, ano yung sinasabi mo na love is lovelier the second time around?’ Wala lang, tawa lang kami nang tawa.

“The good thing about Mark and I, we never really had a problem. So, even if wala kaming closure sa relationship namin before, he has always been the same Mark na minahal nating lahat.

“Alam naman nating lahat na napakabuting tao ni Mark. Hindi naman talaga mahirap mahalin si Mark. Bilang kaibigan, mahal na mahal ko yan,” deklara pa ng aktres.

Dugtong pa ni Claudine, “Mark and I, we haven’t seen each other, but we’re talking on the phone. Marami kaming napag-usapan about our past, about this movie. There are a lot of things na napag-usapan namin. Napagdaanan namin and na-experience namin,  na I think now, talagang perfect timing to do this movie with Mark.

Claudine Barretto humingi ng tawad sa panggo-ghosting kay Mark Anthony Fernandez
Mark Anthony Fernandez and Claudine Barretto

“Kaya siguro hindi natuloy yung mga dating pelikula because itong pelikulang ito ang nararapat para sa amin.”

Kailanga pa ba ng forgiveness mula sa isa’t isa para mas maging  maayos ang muli nilang pagtatrabaho sa Deception?

Tugon ni Mark, “Ako, ang reaksyon ko diyan never kinailangan ng forgiveness. We always wanted to do  a project together, we just didn’t have the right material nung time na yon. We were never enemies, in fact we never had a closure.

“Pero we always remain friends and I think I always like her and she always  like me back kahit hindi na kami.”

“Yung forgiveness, siguro if meron mang dapat humingi ng forgiveness ngayon ako yon,” sagot naman ng award-winning actress.