Claudine Barretto, handang makipag-ayos kay Raymart Santiago

ADVERTISING

Claudine Barretto, handang makipag-ayos kay Raymart Santiago

Raymart-Santiago-Claudine-Barretto HAY, NAKU! Ayoko nang mag-emote kapag Mother’s Day kahit wala rito ang mga anak ko.

Masaya na rin naman ako kahit mga aso ko ang kasama ko.

Kadadalaw ko lang naman sa apo ko sa Amerika at nag-bonding kaya happy na rin naman ako.

Ang isa sa mga celebrity mom na-feature ng Startalk kahapon ay si Claudine Barretto na nagbigay naman ng pahayag tungkol sa mga pinagdaraanan niya ngayon.

ADVERTISING

Umakyat ang VAWC case na isinampa niya laban kay Raymart Santiago, pero nagpalabas naman sila ng statement na open sila sa pakikipag-ayos.

Sa katunayan, meron ngang event sa G Force ang anak nilang si Sabina sa Araneta Coliseum sa May 29, at pinadalhan daw nila ng imbitasyon si Raymart.

Sabi ng aktres, kahit daw hindi raw type ng mga bata na makita ang ama nila, gusto pa rin daw niyang lumaki silang may kinikilalang ama.

Kaya gusto raw niyang maging bahagi si Raymart sa malaking event na ‘yun ni Sabina.

Ewan ko lang kung dadalo si Raymart, at kung natanggap na niya ang imbitasyon.

Ilang beses na ring kinulit-kulit ng Startalk si Raymart na sagutin ‘yun, o kung darating ba siya sa May 29, pero hindi ito sumasagot.

Abala rin si Raymart sa nalalapit na pagtatapos ng Villa Quintana, at sa bagong hobby niyang skydiving.

Pero malay natin, baka magkaayos naman silang mag-asawa, pero hindi na siguro magkakabalikan, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING