Claudine Barretto, ginawang ‘showbiz’ ang arraignment ni Raymart Santiago?

ADVERTISING

Claudine Barretto, ginawang ‘showbiz’ ang arraignment ni Raymart Santiago?

Claudine-Barretto-Raymart-SantiagoNAGKITA NA naman pala uli ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa hearing ng kasong Anti-Violence Against Women and Children na ginanap sa Marikina-RTC kahapon ng umaga.

Nagulat si Raymart dahil sa dami ng media na nag-cover. Itinawag yata ‘yun ng kampo ni Claudine, dahil itinago yata talaga ito ng kampo ni Raymart.

Du’n kasi sa hearing kahapon, ginawa ang arraignment kay Raymart dahil umakyat nga sa korte itong kasong isinampa ni Claudine sa asawa niya.

Saka ang alam ko, hindi yata kailangan du’n sina Claudine dahil arraignment lang ‘yun ni Raymart, pero in full force sina Claudine para saksihan siguro nila ang pag-plea ni Raymart ng “not guilty” ‘di ba?
Pero ang alam ko, magkikita uli silang mag-asawa sa Biyernes dahil may hearing uli sila para sa custody case naman sa mga bata.

ADVERTISING

Kailangan na magharap daw talaga roon ang mag-asawa. Sisipot kaya si Claudine?

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang buong kuwentong ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING