Claudine Barretto, galit na galit kay Mark Anthony Fernandez?! – Tita Swarding

ADVERTISING

Claudine Barretto, galit na galit kay Mark Anthony Fernandez?!  - Tita SwardingClaudine Barretto, galit na galit kay Mark Anthony Fernandez?!  - Tita SwardingOLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo ngayon? Naku, ha? Grabe pa naman ang hitad na ito na pasaway. Hahaha! Ang aga pa, may clue na!

Itong si aktres-aktresan – naku, hindi naman siya talaga aktres sa paningin ko – ay wala na palang raket dito sa bansa, kahit papalapit na ang eleksiyon. Ni isa raw ay walang kumuha sa kanya, samantalang ‘yung ibang mga artista, naka-book na sila kahit malayo pa ang eleksiyon para mangampanya sa mga kumakandidato ngayon.

ADVERTISING

Kaya itong si sexy actress, naghahanap ng paraan para magkadatung. Dahil bukod sa marami itong babayarang bills at sangkaterbang utang, may dyowa rin ito na hinaharbatan lang ang balahurang aktres na ito, huh! Kaya nu’ng may kumuha raw rito para mag-show sa Japan, sinamantala na raw ito ng hitad. Kahit tumambling pa ito sa harapan ng mga Hapon ay gagawin niya para ‘pag uwi niya ng bansa, may bitbit siyang lapad. O, laban ka?!

Tinalbugan daw ng hitad na ito ang mga babaeng nagtatrabaho sa club doon. Ang hindi alam ni sexy actress ay nandu’n pala nagtatrabaho ang lalaki kung saan matagal na niyang gusto. At may nangyari raw sa kanila noon.

Nang magkita nga raw ang dalawa, sinabi ng aktres sa lalaki na, “Hoy! ‘Di ba ikaw si ______? Dito ka pala nagtatrabaho. Labas naman tayo, gawin natin ang ginagawa natin noon.”

ADVERTISING

Hesusmaryosep! Nandiri raw talaga ang lalaki sa kanya. Sabi na lang daw ng lalaki sa kanya, “Hindi ako puwede at bawal sa amin.”

Ang nakakaloka pa, si sexy actress pa ang nagyaya na bayaran na lang daw niya ito, lumabas lang sila.

Nakakaloka, ha?! At bakit siya balahura? Naku, ‘day! Bago raw ito pumunta sa Japan, nag-iwan daw ito sa labas ng bahay niya sa may pinto ng pasador. Eww! Kadiri siya! Ang isa pang nakakaloka ay sa condo ito. Nawindang ako du’n, ha?!

Kaya itong si aktres-aktresan, hindi na kailangan ng clue dahil gets n’yo na ito. ‘Yun na!

KAHIT HUMINGI NA raw ng tawad si Mark Anthony Fernandez sa dating Kapamilya star na ngayon ay Kapuso nang si Claudine Barretto dahil sa hindi nito pagsipot sa taping nila sa sobrang busy nga raw ngayon ang aktor, dedma pa rin daw.

Ayon  sa aking parazzi girl, iritang-irita si Claudine dahil naghintay pa raw ito nang matagal, gayong hindi rin naman daw sisipot ang aktor, huh!

Pero nang ma-interview si Claudine, inilabas na niya ang sama ng loob niya. Kaya sa sobrang galit daw ni Claudine, pati ang nasa paligid daw niya ay medyo nabuweltahan  niya. Pagpasok pa lang daw nito sa loob ng sasakyan, sabay hagis daw ng kanyang bag. Nakakaloka!

Kahit ang dati raw nitong boyfriend na si Mark Anthony, alam na raw ang pag-uugali niya. Kaya nu’ng humihingi raw ng tawad si Mark Anthony sa actress, sinabi raw ni Claudine na, “Tapos na… nangyari na!”

Nakakaloka, ha?! How true kaya ang chikka na ‘yan. ‘Yun na!

‘Wag n’yo pong kalimutang pakinggan ang aking programa sa dwbl 1242 khz.8:00 -9:00 A.M. everyday Monday to Friday at sa dzrh 666 khz every sunday.2:30-3:30 pm. ‘Yun na.!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING