Claudine Barretto at Diether Ocampo, muling bubuhayin ang TV career

Claudine Barretto at Diether Ocampo, muling bubuhayin ang TV career

Claudine Barretto at Diether Ocampo, muling bubuhayin ang TV careerResurrection project na matatawag ang aabangang teledrama sa TV5 simula sa February 15, ang “Bakit Manipis Ang Ulap?” Yes, consistently a resurrection of sorts.

Ang Viva TV na nasa likod nito ay balik-aktibong muli, thus reinvigorating TV5’s programming via a 1985 “resurrected material” from the directorial genius of Danny Zialcita, also its playwright.

Mula sa nalampasan niyang stroke, Joel Lamangan returns to TV, goodbye sa sanrekwa niyang potboilers noon sa GMA.

It’s time to welcome Claudine Barretto anew, na apat na taon ding walang regular TV exposure maliban sa news coverage ng kanyang mga kaso noon against her estranged spouse Raymart Santiago. Upon her return, may bansag na sa mahusay na aktres, ang Optimum Star—na huwag lang sanang gamitan ng malisyosong isip in changing it into “Opium Star” based on reports of her alleged drug use.

On a positive note, puwedeng “adik” na ngayon si Claudine Barretto sa pagtatrabaho, out to reclaim her royal title bilang Primetime Queen which she earned from ABS-CBN.

The same welcome back greeting goes for Diether Ocampo na ilang panahon ding nawala sa sirkulasyon only to play one of Claudine’s love interests. Teka, ang obserbasyon ba ng press na medyo lutang sa ulap si Diether Ocampo sa presscon ay “promotional,” dahil kabe-break lang niya sa kanyang girlfriend o “defense mechanism” niya to dodge questions na may kinalaman sa umano’y unpaid salaries ng mga taong nagtrabaho sa kanya?

Cesar Montano’s TV career is likewise off the ground. Bagama’t he had an MMFF entry (“Nilalang”) last year, he was last seen in GMA’s soap kasama sina Lovi Poe at Charie Pineda.

At sinu-sino pa ba sa cast ng “Bakit Manipis Ang Ulap?” whose respective careers ay muling sisisikatan ng araw? Nariyan ang magkakontemporaryo sa Binibining Pilipinas na sina Ruffa Gutierrez at Dindi Gallardo, Bernard Palanca, at Samantha Lopez (dating Gracia).

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III