Claudine Barretto, dapat nang magbalik-showbiz

ADVERTISING

Claudine Barretto, dapat nang magbalik-showbiz

Claudine-BarrettoALAM NAMIN ang ipinaglalaban ni Claudine Barretto lalo’t kilala namin siya na pasensiyosang tao, pero ‘pag napuno ay hindi papayag na magpaapi lalo’t kung ang pinag-uusapan dito ay ang kanyang pagkatao at mga anak. Pero para sa amin, dapat na niyang balikan ang kanyang showbiz career.

Nakahihinayang dahil nakausap namin noon si Direk Wenn at may pelikula at serye siya na nakahanda na para sa aktres at ang kundisyon na hinihingi lang niya ay magbawas ng timbang si Claudine.

Naniniwala kami na malaki ang mababago sa pananaw ni Claudine sa sandaling makabalik ito sa showbizness at makilala muli ang kanyang husay bilang isang aktres.

Nauubos lang kasi, para sa amin, ang oras, panahon, pera at pagkakataon niya sa kabi-kabilang kaso na sinasampa niya laban sa kanyang dating asawa na si Raymart Santiago o sa kanyang kapatid na si Gretchen Barretto. Dapat harapin na niya ang kanyang buhay bilang isang single parent dahil may mga batang umaasa sa kanya na alam naming pinakanaaapektuhan sa lahat ng nangyayari.

ADVERTISING

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING