Claudine Barretto, binakbak sa post ng screengrab ng AlDub

ADVERTISING

Claudine Barretto, binakbak sa post ng screengrab ng AlDub

Claudin-BarrettoWHEN CLAUDINE Barretto posted a screengrab of Alden Richards, Wally Bayola, and Maine Mendoza with this caption, “Love u Aldub #aldubfan,” matinding bash ang inabot niya.

ADVERTISING

Her attention was called because kababalik lang niya sa Dos ay may kapalpakan na siya. Say ng isang fan, matapos siyang mag-promote ng movie niya sa It’s Showtime ay ang Eat… Bulaga! hosts naman ang pinost niya. Hindi raw magandang tingnan iyon sa mata ng tao dahil parang ipino-promote niya ang kalabang noontime show ng Dos.

One even said na it leaves a bad taste in the mouth dahil meron pa siyang Maalaala Mo Kaya episode last Saturday. For the basher, okay lang naman that Claudine watched Eat… Bulaga! pero ang mag-post ay hindi.

“Sa mga hindi fans ng Aldub im sorry po kung nasaktan ko kayo. Pero ang totoong fan ay di dapat matakot na ipaalam at ipaglaban ang mga iniidolo naitn. Wala po akong tungkol sa iba. Natutuwa lang po ako na pinapasaya nila mga anak ko. Wala po akong sinasadyang saktan kahit sino sa inyo. Im sorry po pero respetuhin natin ang isa’t isa. God bless us all po!” sagot ni Claudine sa bashers.

ADVERTISING

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING