Claudine Barretto, banta sa career ni Jolina Magdangal sa Siyete?!- Archie de Calma

Claudine Barretto, banta sa career ni Jolina Magdangal sa Siyete?!- Archie de Calma

Claudine Barretto, banta sa career ni Jolina Magdangal sa Siyete?!- Archie de CalmaSANA NGA, MAGKATULUYAN na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta, ang drummer ng bandang Rivermaya, and it looks like Jolens is madly in love with the guy.

Kinikilig si Jolens kapag napapag-usapan si Mark, at sa Paskong ito raw, wala naman itong hinihiling na kung anu-ano sa kanya. Mahilig daw sa computers si Mark, pero may bago na itong laptop at kuntento na itong binubutingting iyon.

Kaya hanggang ngayon, wala pang maisip na materyal na bagay na maibibigay si Jolina sa kanyang BF.

Natatawa nga si Jolens dahil marami na ang nagsasabing magmadali na sa pag-aasawa dahil karamihan ng kapanabayan niya ay nagsipaglagay na sa tahimik. Pero, Jolens is taking her time. Kaso nga, sa kakahinay-hinay niya, gaya sa nangyari sa situwasyon nila ng huli niyang naging BF na si Bebong Muñoz ay nasilat pa ang inaakala ng maraming mauuwi sa kasalan, pero hindi nga nagkaganoon.

Masaya na raw si Jolens na ipagluluto si Mark sa Paskong ito. At sa kababawan ni Jolens, mapasalubungan lamang daw siya ni Mark ng Choco Pops na paborito niya ay masayang-masaya na siya.
Incidentally, nakatutok pang lalo ngayon si Jolens sa career niya. Nakakontrata siya sa management firm ni Perry Lansigan, ang bagong tatag na PPL Entertainment. Naka-concentrate si Perry rito kaya inaasahan ni Jolens na aalagwa ang career niya this 2010.

Kaya wala raw dahilan para ma-bother si Jolina sa sinasabing pananabang ng GMA-7 sa kanya, na ang dahilan daw ay ang pagpasok ni Claudine Barretto sa Siyete at isa na itong certified Kapuso.
In fact, masaya si Jolens sa pagpasok ni Claudine sa GMA-7. Mga dati silang Kapamilya na ngayon ay kinukupkop na kapuwa ng Siyete kaya naniniwala si Jolens na sa halip na magkaroon ng kumpetensiya sa kanila, may mga pagkakataong kakailanganing magkatulungan sila ni Claudine para lalong bumongga ang kanilang puwersa.

HINDI NAMAN TOTALLY mangungulila ang mga naiwan ng yumaong Francis Magalona ngayong Pasko dahil kahit nakapag-iwan daw ng sakit ang paglisan nito, obviously, nakapag-move on na ang kanyang pamilya.

Masuwerte si Kiko at nagkakaisip ang mga anak niya na maganda ang paggabay sa kanila ng naiwang kabiyak nito, si Pia Arroyo. Ayon sa panganay ni Kiko na si Maxene Magalona, sapat na siguro ‘yung katuwaan ng ama nito kung saan man ito naroroon na makapagtatapos siya ng pag-aaral.

Considered graduate na ngayon pa lang ng Ateneo de Manila University si Maxene, with a degree on Social Science. Kaya naman kapansin-pansin ang build-up ng GMA-7 sa kanya. Talagang ito na ang panahong tinututukan na nang husto si Maxene.

Tampok si Maxene sa kauna-unahang Christmaserye ng GMA-7, may pamagat na Sana Ngayong Pasko, kung saan muli silang magtatambal ni JC Tiuseco na nasubukan na ang lakas sa fans sa isang natapos na successful soap sa GMA.

Pero, hanggang ngayon, loveteam pa lang talaga sila at ina-appreciate lang naman ang pagkahumaling ng fans sa kanila. Wala pa raw sa puntong nagkakaligawan na sina JC at Maxene.
Ows?

Calm Ever
Archie de Calma