Claudine Barretto, balak lumipat sa Siyete? by Ambet Nabus

ADVERTISING

Claudine Barretto, balak lumipat sa Siyete? by Ambet NabusHINDI ANG TIPO ni Karylle ang sasakay sa isyung nililigawan daw siya ni Jericho Rosales, kasamahan niya sa Dahil May Isang Ikaw.

“Ewan ko ba kung bakit walang naniniwala. Ganyan siguro ang kalakaran talaga sa showbiz. Papaniwalain nila ang tao dahil wala lang, type lang nila ang natatawa pang sinabi ni Karylle.

ADVERTISING

She has but high respect and admiration as an actor kay Jericho. “Napakahusay. Nakaka-initimidate talaga at in fairness ay totoong guwapo. Sa kuwento lang ako magkakagusto sa kanya at ‘yun bang tipong ipaglalaban ko siya,” kuwento pa ng magandang aktres.

Si Karylle nga ang makaka-triangulo ng balik-tambalang Echo-Tintin (Kristine Hermosa) at never naman daw siyang natatakot na ‘ngaragin’ ng mga nagmamahal sa sikat na tambalan. “Naku, okey nga ‘pag ganu’n. Ibig sabihin effective ako,”ang ngumingiti pa nitong tinuran.

Sa Lunes na (Agosto 24) eere ang bagong serye (grabe ang casting, huh!) ng ABS-CBN at ito nga ‘yung sinasabing teleserye na magpapakilala kay Karylle bilang isang seryosong aktres.

ADVERTISING

AYAW MANIWALA NG marami na wala ngang namamagitang ‘cold treatment’ sa pagitan nina Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Sa mga naglalabasan kasing panayam sa kanila, obvious namang may “laman” ang kanilang mga sagot-depensa sa isa’t-isa.

Well, inalam namin ang pinag-ugatan ng isyu at may nakapagsabi nga sa amin na diumano’y nagsimula ito sa pandededma ng isa sa isang mahalagang imbistasyon ng isa. Nagkaroon ng gatungan ng kuwento mula sa kanilang common friends and before they knew it, lumaki na sa media at ‘eto, tila nag-iiwasan silang magkasakitan pero ramdam naman ng mga kumakausap sa kanila na sila’y ‘affected.’ May ganu’n?

Incidentally, mukhang nag-eenjoy naman sa kanyang daily hosting stint sa Unang Hirit si Sunshine kaya’t mukhang hindi nito pinoproblemang masyado kung may malalaki ba siyang soap o wala?

GAANO NAMAN KAYA katotoo ang tsismis na may namumuo diumanong negosasyon sa pagitan ng GMA-7 at kay Claudine Barretto?

May mga lumabas ng tsika na noon pa inaawitan ng Kapuso network ang maybahay ni Raymart Santiago pero nang lumabas ang balitang kasama sa naging transaksiyon ni Gretchen Barretto ang pagkakaroon ng soap sa ABS-CBN kasama ang kapatid na si Claudine, bigla itong nahinto.

But just very recently, muli itong nabuhay, kasabay ng pagbabalik-bansa ni Greta na magsisimula na ngang magtrabaho sa ABS-CBN.

Subalit, ipinagdidiinan ng aming mga kausap na hindi lang daw isang beses na nakitang nakikipag-miting sina Claudine sa ilang matataas na ehekutibo ng Siyete at ang tanong nila, “kung hindi proyekto sa GMA ang kanilang paksa, eh ano pa?”

Well, aalamin natin ‘yan sa mga susunod na kabanata!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

ADVERTISING