Claudine Barretto, baby pa rin sa paningin ng ina

ADVERTISING

Claudine Barretto, baby pa rin sa paningin ng ina

Claudine Barretto, baby pa rin sa paningin ng inaOf the Barretto sisters, Claudine Barretto is closest to her parents most specially to her mom. Showbiz bore witness kung paanong an adult that she already is ay parang baby kung ituring pa rin siya ng kanyang mga magulang, a kid worth her family’s attention and affection keber kung maetsa-puwera na ang kanyang mga nakatatandang kapatid.

Sa mata lalo ni Mommy Inday—sa kabila ng mga pasabog noon ni Gretchen laban sa kapatid—Claudine remains and will always remain a good daughter, if not the best. Walang bahid-dungis, almost perfect.

One can only surmise na maaaring magaling mam-brainwash si Claudine Barretto playing the good daughter that she is not, and feigning her love for her parents gayong taliwas naman ito sa sinasabi ng kanyang puso sa mga ikinikilos niya.

This writer pleads guilty to jumping the gun. Taong 1995 pa (yes, more than 20 years!) noong huli naming makasama ang aktres, isang galawgaw yet sweet little girl eager to explore the world.

ADVERTISING

While puffing at our cigarette stick sa labas ng Music Hall nitong Lunes, siyang paparating naman ng lead star ng teledramang “Bakit Manipis ang Ulap?” para sa grand presscon nito. Clad in maroon dress, malaki ang iginanda ng katawan ni Claudine, she lost considerable weight.

Nauna pa siyang dumating kesa sa kanyang mga leading men na sina Cesar Montano at Diether Ocampo, senyales that perhaps, gone are the days when Claudine had this luka-lukahan work habit. May lumabas kasi noong araw na ‘yon sa isang tabloid (hindi rito sa Pinoy Parazzi) na nauuna pang mag-report si Claudine sa taping kesa sa gagamiting generator.

So far, sa sinipot na apat na taping days ng aktres na ang call time ay alas-otso ng umaga, she arrives at the set one hour earlier.

Sandaling nahinto ang aming pag-uusap. Her phone rang, si Mommy Inday ang tumatawag sa kanya. Plano kasi ng pamilya na pumunta sa burol ng balae ng kanyang mga magulang, pumanaw na kasi ang father-in-law ng kanyang ate na noo’y kasama pang magsimba ng Barretto couple.

In a more concerned, affectionate tone ay tinanong ni Claudine ang ina, “Mom, did you get the cup of bowl I sent you? You just put hot water in a thermos bottle and you can bring it anywhere. I’m just here at the presscon. Basta I’ll see you at the wake tonight, I’ve clothes naman, eh. Naka-maroon kasi ako. Mom, I miss you… I love you.”

Walang kamalay-malay si Claudine na nakikinig kami sa bawat sinasabi niya kay Mommy Inday. Hindi man namin naririnig ang ina, isa lang ang tiyak: no wonder kung bakit sa kabila ng edad ni Claudine (36 years  old na siya) ay hindi na siya tumanda at nanatiling baby sa paningin ng kanyang ina.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING