Claudine Barretto, ayaw patulan ang patutsada ni Gretchen Barretto

Claudine Barretto, ayaw patulan ang patutsada ni Gretchen Barretto

Claudine Barretto, ayaw patulan ang patutsada ni Gretchen BarrettoISA SA MGA kaibigan namin ang nagbalitang si Nora Aunor daw ay caregiver na lang ngayon sa Amerika. Base sa nakarating na tsika, sa isang mayamang Pilipina na dating fan ng aktres nagwo-work ang Superstar.

Mas ginusto na lang daw ngayon ni Nora ang maging caregiver, kesa maging pabigat sa ilang kaibigan sa Amerika na tumutulong sa kanya.

“’Yung pagkawala ng boses niya, oo, masakit. Pero unti-unting natatanggap na ni Mama Guy na hindi na uli siya makakanta at wala na ang dati niyang magandang boses,” sabi ng aming source, na nagkuwento pa rin sa amin na kung noon daw ay puro hangin ang lumalabas kapag nagsasalita ang aktres, ngayon daw ay naiintindihan na at hindi na masyadong lumalabas sa ilong ang tinig.

“May ilang producer ang gustong pabalikin siya sa Pilipinas, pero parang wala na talagang balak magbalik-‘Pinas si Mama Guy. Kahit mahirap ang kanyang kalagayan sa Amerika, parang kuntento na ito sa bago niyang buhay,” pagwawakas pa rin ng aming kausap.

HINDI MAN SINASADYA, lalong nakumpirma sa isipan ng mga tao na may pinagdaraanan ngayon ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago, matapos magbigay noon ng one-liner si Gretchen Barretto. At dahil dito ay muling nag-apoy ang dati nang hindi pagkakaunawaan ng magkapatid na Barretto.

“Actually wala namang galit si Claudine kay Gretchen, at kung anuman ang naging problema nila noon ay tapos na ito. Ang hindi lang maganda, itong si Gretchen nagsasalita ng mga bagay na alam naman niyang posibleng pag-usapan talaga, like ‘yung sinabi niyang ‘ayaw niyang magsinungaling’ nang tanungin siya kung totoong hiwalay na sina Raymart at Claudine. Sana nanahimik na lang siya, kasi talaga namang hindi hiwalay sina Raymart at Claudine. Totoong may pinagdaraanan ngayon ang mag-asawa, pero normal lang iyon sa isang couple,” pahayag iyon ng isang taong malapit kay Claudine.

Marami na raw ang nagtangkang makipag-usap kay Claudine, pero ayaw na raw patulan pa ng aktres ang nasabing usapin dahil sa dalawang dahilan. Una, ayaw raw nitong masaktan ang nakatatandang kapatid. Pangalawa, okey naman sila ni Raymart.

“Huwag na sanang pakialaman ni Gretchen ang buhay ni Claudine. Besides, hindi naman pinakikialaman ni Claudine ang buhay niya kung sila pa ba ni Tony Boy Cojuangco o hindi na, ‘no!” Mataray pang pagtatapos ng aming source.

ANYTIME THIS WEEK, dadalawin na ni Katrina Paula ang kanyang condo unit sa Danzalan Garden upang tingnan kung may mga nawala ba siyang gamit matapos na halughugin ng PNP ang kanyang unit kaugnay sa isyung carnapping.

Base sa intellegence report, si Katrina ay sangkot sa isyung carnapping dahil ang utak ng mga pagnanakaw ng mga mamahaling kotse na si Raymond Dominguez ay live-in partner nito.

Itinanggi na ni Katrina ang akusasyon. Ayon sa aktres, kakilala lang niya si Raymond at never silang nagkaroon ng relasyon nito. Sinabi ng dating boldstar na totoong inimbitahan niya si Raymond noong kanyang birthday, pero hindi ibig sabihin noon ay live-in na sila.

“Masakit po ang mga bintang nila sa akin. Hindi lang ako ang apektado dito kundi pati ang buong pamilya ko at mga anak ko. Maawa naman sana kayo. Huwag naman sana kayong nagpapalabas ng mga kung anu-anong balitang hindi naman ninyo pa nako-confirm. ‘Yung anak ko, dumarating mula sa school nang umiiyak at nagtatanong sa akin. Masakit talaga dahil nagpapakahirap akong magtrabaho para sa aking pamilya sa malinis na paraan, tapos ganito ang sasabihin nila sa akin.”

Sa pagwawakas, sinabi ni Katrina na wala siyang balak magdemanda sa PNP, pero gusto niyang linisin ng mga ito ang kanyang pangalan. “Ako ‘yung taong hindi mahilig sa gulo. Ayoko ng away, gusto ko ‘yung tahimik na buhay. Kaya please, huwag nila akong isangkot sa ganitong mga eskandalo dahil napaka-unfair nito!”

More Luck
by Morly Alinio