Claudine Barretto at Raymart Santiago, tahimik sa isyu ng gulo sa Medical City

ADVERTISING

Claudine Barretto at Raymart Santiago, tahimik sa isyu ng gulo sa Medical City

Claudine Barretto at Raymart Santiago, tahimik sa isyu ng gulo sa Medical CityNAKU! INIINTRIGA pa rin ang dalawang bagets ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako na sina Jillian Ward at Ryzza Mae Dizon, ha!

Magkasama silang dalawa na in-interview sa presscon ng pelikulang ito at wala namang intriga sa kanilang dalawa dahil maayos naman ang sagot nilang dalawa.

Nakakaloka lang dahil pinipilit talagang intrigahin silang dalawa, eh hindi naman nila naramdaman ang intriga sa isa’t isa.

Hindi nga siguro alam ni Ryzza Mae ang ibig sabihin ng insecure kaya parang wala naman sa kanya na iniintriga sila ni Jillian.

ADVERTISING

In fairness naman kay Jillian, hindi siya nagpapaapekto at binibigay niya ang oras niya kay Ryzza Mae.

Moment ngayon ni Ryzza Mae, ibigay niya ‘yun at okay lang sa kanya, kung si Ryzza ang binibenta sa pelikula nila na pang-MMFF.

Nu’ng nag-guest nga si Ryzza Mae sa Startalk nu’ng Sabado, parang wala lang sa kanya na iniintriga ko siya kay Jillian.

Magkaibigan naman daw sila at gusto nga siyang regaluhan ni Jillian ng aso, pero ayaw niya dahil takot daw siya sa aso. Mas type naman niya pusa.

Sa totoo lang, wala namang isyu sa mga bata. Ang narinig kong may isyu ang mga nanay nila, huh!

Matagal ko nang may naririnig na kuwento sa nanay ni Jillian, pero nakatutok ngayon sa nanay ni Ryzza Mae na dinig kong may kamalditahan din daw.

Siyempre sikat na sikat ngayon si Ryzza Mae na mukhang ini-enjoy naman ng bata, pero ang unang lumalaki ang ulo raw itong nanay.

Naku! Saka ko na ikuwento at baka makasira pa ito sa promo ng pelikula nina Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos. Pero ang dami ko nang naririnig na kamalditahan nito na sana mapagsabihan at masuheto na ni Malou Fagar, ‘no!

Maaga pa para lumaki ang ulo, kaya dapat na mag-ingat itong nanay ni Ryzza Mae.

Tuwang-tuwa naman ang mga taga-Imus Productions kay Ryzza Mae dahil kapag kasama ito sa mall show para ma-promote ang pelikula, talagang riot dahil napasasaya nito ang mga tao.

Siya na nga ang hinahabol ng mga manonood sa mall show, kaya mukhang may bonggang regalo si Andeng Ynares sa kanya.

Sana nga malaki ang maitulong ni Ryzza Mae sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

 

Claudine Barretto at Raymart Santiago, tahimik sa isyu ng gulo sa Medical CityVERY RELIABLE ang source namin sa kuwentong nagwala raw si Claudine Baretto sa Medical City dahil meron daw itong tinalakan na isang doktor.

Nandu’n ang source namin mismo at kasalukuyang nagpapa-check up nang narinig niya ang gulo.

Ayaw lang niyang ipasabi kung sino dahil hayaan na raw kung gustong manahimik nina Claudine at Raymart sa gulong ito.

Ang kuwento pa ng aming source, dumating pa raw si Raymart para awatin si Claudine, pero hindi raw ito maawat.

Hindi na lang idinetalye ng source namin kung ano ang mga pinagsasabi ni Claudine. Hindi naman daw niya alam kung ano ang dahilan ng pagwawala nito.

Sinubukan ng ilang media na ipasagot ito kay Raymart pero hindi ito sumasagot ng tawag. Kaya tahimik lang talaga sila.

Kunsabagay, ‘yun naman talaga ang mabuting gawin, manahimik na lang talaga, hanggang sa makalimutan na lang ang gulong ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING