Claudine Barretto at Piolo Pascual, muling magsasama sa pelikula?!

ADVERTISING

Claudine Barretto at Piolo Pascual, muling magsasama sa pelikula?!

Claudine Barretto at Piolo Pascual, muling magsasama sa pelikula?!TOTOO NGA, kinakarir na nga talaga ni Claudine Barretto ang pagbabawas ng timbang para muling manumbalik ang dating hubog ng katawan. May sariling diet na sinusunod plus exercise every morning ang routine nito everyday. Kailangan niya itong gawin bilang paghahanda sa comebacking movie na ididirek ni Wenn Deramas under Viva Films. Nakita natin via Instagram kung gaano kalaki ang nabawas nitong timbang compared sa dati niyang itsura.

Nang tanungin namin si Direk Wenn kung sino sa mga magagaling natin actor ang gusto niyang maging leadingman ni Claudine ? Diretsong sinabi nito na si Piolo Pascual ang first choice niya for Claudine. Korek ka d’yan, Direk Wenn, may chemistry ang dalawa at kumita ang first team-up nila noon under Star Cinema.

Gusto ng box-office director pagsamahin muli sila dahil bagay sa kanila ‘yung project. Ikinuwento pa ni Wenn D, continuous ang communication nila ni Claudine at binabalita ng actress ang mga kaganapan sa kanyang buhay.

“Parang anak ko na ‘yang si Claudine kaya gusto ko siyang tulungang makabalik. Kung anuman ‘yung kanyang pinagdadaan sa ngayon, unawain na lang natin siya. Huwag tayong manghusga dahil hindi natin alam kung ano talaga ang totoong pangyayari,” pakiusap ng pamosong director.

ADVERTISING

‘Yun nga lang, hindi pa malinaw kung papayag  si Mr. Johnny Manahan (head ng Star Magic) pati na rin ang big bosses ng Kapamilya Network na itambal si PJ kay Claudine. Pero naniniwala si Wenn D. na magiging maayos ang lahat dahil dating anak-anakan ni Mr. M ang controversial actress. Madadaan naman daw sa magandang usapan ang lahat. Naniniwala si Direk na hindi nila ipagkakait na bigyan ng pagkakataong tulungan uli ang actress na muling manumbalik ang dating sigla ng career nito.

Claudine Barretto at Piolo Pascual, muling magsasama sa pelikula?!Hindi naging madali para kay Claudine na harapin ang mga mabibigat na pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Pilit niyang naging matatag at harapin ang buhay. Maraming pangyayaring hindi niya inaasahang mangyayari. Sunud-sunod na pagsubok. Ang napabalitang hiwalayan nila ni Raymart Santiago. Ang controversial issue tungkol sa hindi nila pagkakaunawang magkakapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto na pati buong pamilya ay na-involve na rin sa issue.

Pero hindi nawawalan ng pag-asa si Claudine. Umaasa pa rin ito na magiging maaayos ang lahat sa tamang panahon. Maghihilom ang sugat at magkakapatawaran ang bawa’t isa. Pinapasa-Diyos na lang ng actress ang lahat dahil sa puso’t isipan niya, hindi nito gustong mangyari ito sa kanyang buhay.

 

HINDI MAN aminin ni Kylie Padilla, nadu’n ‘yung pagseselos tuwing nakikita niya ang sweet moments nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Instagram kahit promo lang ito ng kanilang bago show sa GMA-7. Kahit may selos factor ang dalaga ni Robin Padilla, iniiwasan na lang nitong tignan ang pictures ng magka-loveteam.

Inamin naman ni Kylie na  selosa siya kaya’t hindi natin maiaalis sa kanya ‘yung mag-selos kahit alam niyang trabaho lang ‘yun. Palibhasa, relax na kasi sa isa’t isa sina Kris at Aljur kaya’t walang malisya sa kanila kung kunan man silang nagyayakapan at nagla-loving-loving in front of the camera.

Siyempre, kailangang gawin ito nina Aljur at Kris para pakiligin ang kanilang fans na tumatangkilik ng kanilang soap. Pareho naman silang may dyowa, kung may Kylie si Ajur, boyfriend naman ni Kris si Carl Guevarra. Katunayan nga, nu’ng nag-birthday si Kris, Singapore trip ang gift na ibinigay sa kanya ng binata. Magkasama silang nag-biyahe at puring-puri ng young actress kung gaano ang pag-aasikasong ginawa sa kanya ng actor, bukod pa sa pagiging galante nito.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING