Claudine Barretto, agaw-eksena sa Star Magic concert! – Morly Alinio

ADVERTISING

Claudine Barretto, agaw-eksena sa Star Magic concert! - Morly Alinio

Claudine Barretto, agaw-eksena sa Star Magic concert! - Morly AlinioAGAW-EKSENA SI CLAUDINE Barretto sa nakaraang Star Magic concert na ginawa sa Araneta Coliseum, kung saan ang lahat ng talent ng Star Magic ay naka-white sa kanilang closing number, pero si Claudine ay nagsuot ng black gown.

ADVERTISING

“No, hindi po. Naka-black ako kasi hindi na ako nakapagpalit pa ng damit na white kasi wala nang oras,”  paliwanag ni Claudine na nagsabi pa sa aming nagpapasalamat siya’t sa tagal ng panahon, ngayon lang niya nakasama ang iba pa niyang “kapatid” sa Star Magic.
“As far as I know, tuloy ‘yung gagawin naming movie ni Ate Vi (Vilma Santos) sa Viva Films at hindi ko pa alam kung kelan iyon. Kasama kasi sa plans ‘yung pagsasama namin. Plus parang meron din akong gagawin with Robin Padilla.” Tuluy- tuloy na pahayag ni Claudine nang kausapin siya ng Pinoy Parazzi.

Marami kaming napag-kuwentuhan ni Claudine pero ang hindi nakaligtas sa aming paningin ay “malusog” siya ngayon, na kahit kulay itim pa ang damit na suot, lutang na lutang ang kanyang “baby fats.” Hindi na namin naitanong kay Claudine kung bakit siya tumaba kasi hinila na siyang palayo sa amin ng kanyang handler.

HINDI NA SI Robin Padilla ang gaganap na ama ni Gerald Anderson sa soap opera na kung saan, makakasama niyang muli si Kim Chui at ang mga batikang aktor at aktres na sina Kris Aquino at Gabby Concepcion.

ADVERTISING

“Hindi ko po alam kung bakit hindi siya puwede. Sayang nga, kasi idol ko pa naman si Mr. Robin Padilla,” sabi ni Gerald.

Si Albert Martinez na nga ang papalit kay Robin. “Masaya ako kasi kahit hindi ko makakasama si Mr. Robin, e, nandiyan naman si Tito Albert Martinez.”

Sa kabilang banda iling at ngiti lang ang ibigay na kasagutan sa amin ni Gerard kaugnay sa pagiging “violent” ng ilan nilang fans ni Kim. “Ayoko pong mag-comment tungkol diyan habang hindi ko sila nakakausap nang personal. Alam ko kaya po sila nagre-react or nagiging ganyan, dahil mahal nila kami ni Kim.” Pagtatapos pa ni Gerald.

BLIND ITEM: ITO raw aktres na may magandang mukha at mapungay na mata ay naglalagay ng kung anu-anong paskil sa kanyang dressing room. Nagsulat daw ito sa isang coupon band ng mga katagang ‘pls dont disturb,’ ‘bawal ang mag-ingay,’ ‘bawal gumamit ng laptop’ at kung anu-ano pang bawal.

“My God, feeling niya talaga ang galing-galing niyang umarte!” Sinabayan ng halakhak ng aming kausap na aktres.

Kaya raw ganu’n ang ipinapaskil ng hitad, eh, dahil ayaw niyang maistorbo ‘yung paghahalikan nila ni ____(pangalan ng aktor). Ang aktor na ito ay may magandang mukha na medyo chubby at anak ng isang kilalang aktor din.

Sa totoo lang unti unti na raw ngayong lumalaki ang ulo ng dalaga. “Okey lang sanang magmaldita siya kung magaling siyang umarte. Diyos ko tatambling ka kapag umaarte siya, walang kalatuy-latoy,” humahalakhak pang sabi ng aming kausap.

Kung hindi n’yo pa nahulaan kung sino ang aktres na ito, sige ibubulong ko sa inyo, next issue. Babu!

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING