Claudine Barretto, ‘di puwedeng mag-reyna sa Siyete dahil kay Marian Rivera!

ADVERTISING

Claudine Barretto, ‘di puwedeng mag-reyna sa Siyete dahil kay Marian Rivera!

Claudine Barretto, ‘di puwedeng mag-reyna sa Siyete dahil kay Marian Rivera!

ADVERTISING

MARAMI TALAGA ANG nanghihinayang sa hindi naging magandang resulta ng pag-alis nina Maricel Soriano at Claudine Barretto sa ABS-CBN. Kasi nga, mga reyna sila sa sarili nilang kasikatan nu’ng hindi pa nangyayari ang desisyon na lisanin nila ang Kapamilya Network.

Hindi naman nagpapakaperpekto ang ABS para sabihing sobrang bongga ang kanilang sistema para hindi na makaisip ang mga artistang nasa kanilang bakuran para ang mga iyon ay hindi magtangka na maranasang magtrabaho sa ibang network. Kaya lang, ano nga ba ang nangyayari sa dulo ng mga desisyon nila?

Nagkaedad na siyempre si Maricel. Pero kahit hindi na siya madalas gumawa ng pro-ject dati, naroon ang respeto na siya ay de-kalibreng aktres kaya hindi puwedeng pagtaasan ng kilay. Marami ang nag-isip kung anong mangyayari sa kanyang pag-alis ng ABS-CBN. Alam na natin ngayon kung ano ang nangyari. Parang pader na gumuguho ang showbiz career ni Marya na ang tagal-tagal niyang iningatan.

ADVERTISING

Reyna rin ng ABS si Claudine, at mataas ang tingin sa kanya ng mga baguhang artistang nasa bakuran ng Dos. Nang lumipat si Claudine sa GMA-7, nabawasan din ang ningning ng kasikatan niya. Hindi siya puwedeng mag-reyna sa Siyete, dahil si Marian Rivera ang reyna roon.

Napapailing na lang ang maraming taga-showbiz sa hindi kagandahang nagaganap ngayon sa career nina Marya at Claudine. Nahihila kasi silang pababa, aminin man iyan o hindi ng dalawang aktres.

Nakawiwindang din ‘yung nangyari kay Hero Angeles, na pinasikat ng ABS. Kumikita dati ang kanyang mga pelikula. Kung hindi siya umalis sa kanyang home studio, baka nahirapang lumusot sa kasikatan si Gerald Anderson.

 

NORMAL NA ULIT ang takbo ng buhay ni Aiko Melendez. Nakabalik na siya sa showbiz, dahil sunud-sunod na ang mga proyektong kanyang gagawin. Wala na nga kasi siya sa pulitika, kaya maaasikaso na niya ang kanyang movie career.

Sa ngayon, napapagkita na rin si Aiko na gumigimik sa bar, katulad ng nakagawian na niya dati. Kaya baka isang araw daw ay magulat na lang tayo na mayroon na ulit bagong lalaki na nakaka-date ang ex-wife ni Jomari Yllana.

Kakaiba na ulit ang aura ngayon ni Aiko. Maganda at relaks ang hitsura niya sa rehistro niya sa TV screen sa kanyang pagganap bilang kontrabida ni Cristine Reyes sa isang panghapong teleserye.

Ang mga ipinagsasaya kasi ngayon ni Aiko ay okey ang relasyon niya bilang kaibigan ng mga dati niyang asawang sina Jomari at Martin Jickain. Ayaw nang pag-usapan ng magaling na aktres ang tungkol sa gusot nila ng dati niyang karelasyong si Mayor Patrick Meneses. Pero ang wish niya, balang araw ay maging okey rin sila gaya ng tratuhan nila ngayon nina Jom at Martin.

Hindi naman itinatanggi ni Aiko na dati ay nagkakaroon din sila ng hindi magandang tratuhan nina Jomari at Martin.  Pero anuman daw ang mga hindi nila naging pagkakaunawaan, sa kaayusan din napupunta. Dahil hindi magandang makalakhan nina Andrei at Mar-thena na ang kanilang mommy ay laging nakakatampuhan ang kani-lang tatay.

 

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY kay Dingdong Dantes. Ke nariyan o wala sa tabi niya ang mga alipores niyang parte ng kanyang movie career, masasabi pa rin nating si Dingdong ‘yung nakilala naming consistent sa kanyang kabaitan  bilang tao. Nakita na namin siya nu’ng dancer pa lang siya na napakabait sa kanyang mga fans at mahusay makisama, madaling lapitan. Nga-yong sikat na sikat na siya, ganu’n pa rin ang kanyang ugali. Matulungin din si Dong, kaya ang wish natin sa kanya, matuloy na siyang pumasok sa larangan ng pulitika. Hindi peke ang kanyang kabaitan, kaya magiging mahusay siyang lingkod ng bayan kung itutuloy niya iyon.

Happy birthday, Dingdong!

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING