Claudine Barretto, ‘di na big star sa Kapuso network?!

 Claudine Barretto, ‘di na big star sa Kapuso network?!

 Claudine Barretto, ‘di na big star sa Kapuso network?!
TOTOO BANG NAPILITAN lang si Claudine Barretto na tanggapin ang kanyang bagong soap ngayon out of hiya sa network executives?
Ilang shows na pala ang inialok sa aktres pero tinanggihan ito ni Claudine. It’s not clear to us if Claudine declined because she doesn’t like the projects lined up for her or she does not like the cast.
Kaya lang,   pinaalala  raw  ng  execs ng Siyete that Claudine has a contract to fulfill kaya naman she was left with no choice but to do the soap kahit na lumalabas na suporta lang siya at ang pinakabida ay ang batang aktres.
Obviously, Claudine is no longer treated as a big star sa Kapuso Network. While she enjoyed immensely her lead star status in ABS-CBN for which earned her the monicker Optimum Star, ito namang Kapuso Network ay ginawang suporta si Claudine.
Sa isang iglot lang, nawala ang star value ni Claudine!
AYAW MAG-PROMOTE NI Dennis Trillo ng kanyang latest movie sa Sunday talk show ng Siyete. Kasi naman, Jennylyn Mercado, her ex-girlfriend, is one of the hosts there. Ayaw siguro ni Dennis na lumaki pa ang ungentleman issue sa kanya matapos siyang magdayalog na tinanggihan niyang makasama si Jen sa isang project and it’s not the other way
around.

Well, magsasalita yata si Jennylyn this Sunday kaya magkakaalaman na kung siya ang tinanggihan o siya ang tumanggi sa project na pagsasamahan dapat nila ni Dennis.
THE REVIVED RIVALRY between Imelda Papin and Claire dela Fuente to beef up inte-rest in a new show reeks of cheap gimmickry.
Nobody in today’s young generation will remember that there was a time that Imelda and Claire were fiercest rivals sa music industry.
Pero tama ang sinabi ni Imelda na “na kanino ba ang trophy?” She was referring to her title as the Undisputed Jukebox Queen.

 

BLIND ITEM: TRUE ba na hindi lang on the rocks ang marriage ng isang actor?

According to the grapevine, the actor returned to his  vice,  the  reason  why  his  wife  supposedly   left him. Could this be true? Sana naman hindi because we believe that the actor is now a reformed man.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas