Classy Girls, nominado sa dalawang kategorya ng Star Awards for Music 2016

ADVERTISING

Classy Girls, nominado sa dalawang kategorya ng Star Awards for Music 2016

Classy Girls
Classy Girls

Inspirasyon daw para sa all-female group na Classy Girls ang nakuha nilang nominasyon sa Star Awards for Music 2016 para sa kategoryang “Duo/ Group of the Year” at “Dance Album of the Year” mula sa kanilang self-titled album.
Ang Classy Girls ay binubuo nina Melody, Steff, Mika, at Regine at mula sa pangangalaga ni Mr. Levi Panganiban na tumatayo nilang manager.

Bukod nga sa nominasyon ng Classy Girls sa Star Awards for Music 2016, nakatanggap na rin ang grupo ng award sa 2015 Global Awards for Most Promising Female Group.
Ilan nga sa sure hot songs na nasa album ng Classy Girls ang mga awiting “Hinay”, “Push Mo ‘Yan”, “Good Boy”, “Miss na Miss”, at “Why” na pare -parehong mula sa komposisyon ng mahusay na singer-song writer na si Jimmy Antiporda,  at ang “Magic sa Traffic” na mula naman sa komposisyon nina Jeff Gungon at Lucky Arpia.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING