Claire Castro, hilaw pa para itapat kay Glaiza de Castro sa ‘Nagbabagang Luha’

NAKAPANOOD kami ng ilang episodes and clips mula sa afternoon series ng GMA-7 na Nagbabagang Luha na pinagbibidahan ng Kapuso stars na sina Glaiza De Castro, Rayver Cruz at ang baguhang si Claire Castro.

Sa mga hindi nakakaalam, anak ng dating teen stars na sina Raven Villanueva at Diego Castro ang dalaga.

Claire Castro, hilaw pa para itapat kay Glaiza de Castro sa 'Nagbabagang Luha'
Glaiza de Castro and Claire Castro ng ‘Nagbabagang Luha’

Katulad ng kanyang ina, maamo ang mukha nito at malakas ang sexy appeal. No wonder isa siya ngayon sa bini-build up ng Kapuso Network as their next important sexy actress.

Claire Castro actually reminds us of the young Maui Taylor – inosente ang mukha, pero ramdam mo na siya ay liberated. Mukhang game din ito sa mga sexy scenes based on the series.

Malaking karangalan for sure para sa baguhang aktres na kontrabida siya ng isang GLAIZA DE CASTRO, na kilala sa pagiging magaling na aktres lalo na pagdating sa drama roles. Si Rayver Cruz din ay isang reliable leading man.

In fairness kay Claire, magaling naman siyang umarte for a beginner. Kuhang-kuha niya ang pagiging obsessed at lukaret ng kanyang karakter as Cielo (na originally ay ginampanan ni Alice Dixson sa movie version na si Lorna Tolentino ang bida). Ang kaso, ’tila masyado pang ‘hilaw’ si Claire para ‘ilapa’ sa napaka-fierce na si Glaiza de Castro. Masyadong intense umarte si Glaiza na natatapatan ng ibang cast members with the exemption of Claire, na parang maliit na kuting na tinapat mo sa tigre.

Maliban dito, awkward din tingnan ang height difference nina Rayver at Claire. Parang napaka-petite at napakabata ni Claire para itapat sa 6ft. tall na si Rayver. Imbes na ma-thrill ka sa mga karakter nila bilang Alex at Cielo na naglalandian ay may awkwardness ka talagang mararamdaman.

Sa totoo lang, mas bet namin na someone taller na lang sana ang gumanap na Cielo. Okay lang na magpasexy na si Claire, pero sana ay hindi muna ito kay Glaiza tinapat, huh!

Anyway, mas bet namin ngayon ang nabubuong love story sa pagitan nina Bien (Mike Tan) at Judy (Myrtle Sarrosa). In fairness, may chemistry! Swak din ang height at ang intensity ng kanilang pag-arte.

Aabangan namin ang aktingan ni Claire de Castro sa Wish Ko Lang! bukas kung saan gaganap siya bilang rebeldeng anak ni Ms. Katya Santos.