Claire Castro: From Kontrabida to Komedyante na ang peg?!

MAITUTURING na isa sa mga Breakthrough Stars ng 2021 ang Nagbabagang Luha villain na si Claire Castro. Maliban sa kinainisan ang kanyang pagganap bilang bratinellang si Cielo, trending din ang kanyang red velvet cake scene with Ms. Gina Alajar kung saan siya sinampal-sampal, ningudngud sa keyk ang magandang mukha at dinuro-duro ang pagkatao.

Claire Castro: From Kontrabida to Komedyante na ang peg?!
Claire Castro

Kung todo iyak, sigaw, paglalandi at pagmamaldita si Claire bilang Cielo, mukhang oras na para mag-tone down a bit ang dalaga.

Si Claire Castro ang bida sa Regal Studio Presents: Myra’s Miracle noong nakaraang Linggo. Dito ay kuwela at very likeable ang karakter ni Claire bilang si Myra, isang caregiver na magiging tulay para magkabati ang kanyang amo (played by Mosang) at ang dalawang anak nito na itinakwil niya. In fairness, medyo naluha kami ng slight sa episode na ‘yun at napansin namin na kung mababantayan ay magaan naman ang dating ni Claire on TV.

Napansin din namin ang guesting niya para sa Bubble Gang, kung saan ‘nakabawi’ ito kay Antonietta (played by Bentong) at ang komedyante ang inapi-api niya.

Si Claire din ang bida two-part special ng Daig Kayo ng Lola Ko presents: Shoegether Forever kung saan nakipagsabayan naman siya kay Ms. Ai-Ai Delas Alas. Ito ba ang paraan ng GMA para in a way ay mabawasan ang ‘galit’ ng fans kay Cielo… este, Claire? If yes, okay rin na nakikita ang versatility ng dalagang anak ng ex-teen stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva. Malay natin, baka si Claire ang mas bobongga ang karera sa showbiz na hindi na-sustain ng kanyang mga magulang, ‘diba?!

Previous articleAFTER 8 YEARS: Directors Jun Lana at Perci Intalan naghiwalay na
Next articleThea Tolentino, Joaquin Domagoso at Jolo Estrada bida sa Regal Studio Presents: Ethan’s Return