Cinemalaya movie ni Nora Aunor, sold out na ang gala premiere

ADVERTISING

Cinemalaya movie ni Nora Aunor, sold out na ang gala premiere

Nora-AunorTATLONG LINGGO pa bago ang August 2 (Sabado) na gala premiere ng Hustisya ng Superstar na si Nora Aunor sa CCP Main Theater ay sold out na ito.

ADVERTISING

Nakausap mismo namin nang personal ang ticket lady ng Ticketworld sa National Bookstore ng Araneta Center, Cubao, Quezon City na may pangalang Donna, at kinumpirma nitong last week pa na-sold out ang nasabing Cinemalaya 2014 official entry ni La Aunor, na first time ng aktres sa nasabing indie film festival.

May ibang screening times pa naman ang Hustisya sa buong August 2-10 run ng Cinemalaya sa ibang venues pa rin ng CCP, meron din sa Ayala Cinemas, pero iba pa rin nga ang gala screening dahil nandoon ang buong cast and crew, to be introduced on stage ng direktor ng movie na si Joel Lamangan.

Ipinakita sa amin ng Ticketworld ticket lady ang centralized computer nila, at true enough, pati balcony section ng CCP Main Theater ay sold out na. May narinig kaming baka ang iba sa production crew ng movie ay sa balcony na makaupo!

ADVERTISING

Nakita namin ang isang photo sa social media ng ilang representative ng Noranians na hawak ang biniling 300 pieces of gala screenings ng movie, sa CCP, kaya mabilis naubos ang tickets.

Sa harap namin, tinawagan ng ticket lady sa landline ang CCP box office upang tanungin kung sa kanila ay may tickets pa, pero waley na rin. Sa Facebook ay na-disappoint ang ibang fans dahil hindi nila masisilayan ang kanilang idolong aktres.

May group of students din from Lyceum, Batangas ang bumibili ng bulk tickets for block screening sa Trinoma, ayon pa sa Ticketworld.

Sana lang ay hindi lang sa CCP humataw ang Noranians sa pagsuporta kay Nora for Hustisya kundi pati na sa mga nabanggit na Ayala Cinemas.

Kasama ni Ate Guy sa nasabing Ricky Lee movie ang isang power house cast: Rocco Nacino, Rosanna Roces, Sunshine Dizon, Gardo Versoza, Romnick Sarmenta, at iba pa.

Sinasabing bida-kontrabida ang role ni La Aunor dito at perfect reunion nga niya ito with Direk Joel and Ricky Lee sa historical film nila noong 1990s na Flor Contemplacion Story, bagamat may ilang movies din silang pinagsamahan dati.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING