Ciara Sotto, kabado sa pagiging mommy

ADVERTISING

Ciara Sotto, kabado sa pagiging mommy

Ciara-SottoSA PRESSCON ng Hari Ng Tondo, excited si Ciara Sotto sa first baby nila ng husband niyang si Jojo, dahil 4 years nilang hinintay na magka-baby sila. Four months pregnant ngayon ang singer-actress. Sabi ng doctor kay Ciara, puwede na siyang mag-workout, yoga para maging active ang physical body nito.

Three weeks saka pa lang nalaman ni Ciara na buntis pala siya. Nagulat nga raw siya dahil that time, nagsayaw pa siya sa Resorts World for TV5. Sabi niya, “Kinabahan ako, super rest ako for 3 months. Wala akong ginawa kung hindi bed rest. Walang workout, walang anything, ngayon lang ako pinayagan na mag-workout.”

Sa pagbubuntis ni Ciara, na-experience niya ang morning sickness. “’Yung paglilihi, hindi naghahanap ng certain na pagkain. Pero lately, parang nahihilig ako ngayong kumain ng Japanese food. Ang daming bawal, bawal ‘yung hilaw na fish. Kapag nag-order ako ng sushi, kailangan ‘yung luto, may tempura sa loob, ‘yung may kanin.”

May time nga raw parang napaglilihian ni Ciara ang asawa. Bigla na lang niyang kinaiinisan si Jojo, pero wala naman daw na dapat kainisan. Ganu’n raw ‘yun kapag naglilihi ang buntis. Nang magpa-ultra sound ang mag-asawa, boy ang nakita nila, pero it’s too early pa raw to tell kung baby boy nga ang magiging anak nila.

ADVERTISING

Mahalagang papel ang ginagampanan ni Ciara sa pelikula. “Nakaka- stress talaga dahil palagi akong binubugbog ng asawa ko rito sa movie. Ilang take at rehearsal, bubugbugin ka bago mag-take, nakakapagod. Super busy ako sa rehearsal for TV5  tapos shooting, super tired talaga ako, ” kuwento niya.

Kahity 4 months pregnant na si Ciara, tumatanggap pa rin siya ng TV guesting. Next week nga may taping siya sa GMA 7. Sobra ang suportang ibinibigay ng pamilya Sotto kay Ciara. Pati nga si Sharon Cuneta, nagaalala sa kalagayan ngayon ng singer-actress. “Si Daddy palaging nakaalalay sa ginagawa ko lalo na sa bahay. Si Mommy ganu’n din. Si Ate Shawie, niregaluhan niya ako agad ang baby namin kahit hindi pa lumalabas. Sinasabi nga niya, kailangan akong mag-ingat. Lagi niyang sinasabing bawal akong mag-pole dancing. Sabi ni Mommy, palaging positive ‘yung disposition ko dahil maaapektuhan daw ‘yung baby. Huwag daw akong ma-stress, iwasan ko raw mainis. Dapat relax lang daw ako palagi,” pahayag nito.

Ready na nga ba si Ciara to be a mother? “Hindi ko alam, du’n ako kinakabahan kasi as an aunt sa mga pamangkin ko, sobrang cool, sobrang fun. Spoiled sa akin ang lahat ng pamangkin ko. Natatakot ang husband ko na baka ma-spoil ko ‘yung baby namin. Kailangan daw madisiplina namin. Sabi ko, sige wait na lang natin. Baka siya pala ang mag-spoil sa anak namin. Pero hindi ko alam kung paano ako as a mom, du’n ako kinakabahan,” ang sagot ng singer-actress.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING