Ciara Sotto, hiniwalayan na ang asawang si Jojo Oconer

Ciara-Sotto-Jojo-OconerKinumpirma mismo ni Ciara Sotto sa kanyang Instagram post na hiniwalayan na niya ang kanyang asawang si Jojo Oconer. Anim na taon nang kasal sina Ciara Sotto at Jojo.

Sa kanyang post, sinabi niya na naging mahirap para sa kanya at sa kanyang anak ng kanilang sitwasyon nitong mga nakaraang lingo kaya nagdesisyon na rin siyang bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang na sina Tito Sotto at Helen Gamboa.

Ani Ciara sa kanyang post: “These past weeks have been very difficult for me and my son. It’s true that I moved out of our home and decided to go back to my parents’ house for now. The truth is painful, but it is what it is. I know that the Lord will strengthen me after this. I prefer to keep my privacy at this time & I would appreciate the public respecting this. Thank you to those who are sending me messages of support and encouragement.”

Nadiskubre umano ni Ciara na mayroong affair ang kanyang asawa sa isang talent ng isang network sa pamamagitan ng cellphone ni Jojo. Diumano, nakatrabaho ni Ciara sa isang show ang aktres na sinasabing third party, kung saan may posisyon din sa production team ang kanyang asawa.

Bago pa nagdesisyon si Ciara na kumalas na sa relasyon nilang mag-asawa, nag-post pa si Ciara ng dalawang mensahe kaugnay ng “panloloko” at “pagsisinungaling” ng asawa.

Aniya sa isang post: “Cheating isn’t always kissing, touching, or flirting. If you have to delete text messages so your partner doesn’t see them, you’re already there.”

Sa isa naman: “When you already know what happened but you ask him anyway & wait for a lie”.


By Parazzi Boy