Chynna Ortaleza, happy sa estado ng relasyon nila ni Kean Cipriano

ADVERTISING

Chynna Ortaleza, happy sa estado ng relasyon nila ni Kean Cipriano

Chynna Ortaleza, happy sa estado ng relasyon nila ni Kean Cipriano
Chynna Ortaleza as Reyna Rashana in Mulawin vs. Ravena

ISANG HANDS-ON MOM si Chynna Ortaleza sa anak nila ni Kean Cipriano na si Stellar. Kahit may yaya ang bata, sila mismo ng mister niya ang nagaalaga.

 
“Iba kasi na ‘andyan ka as mother ng anak na nag-aalaga sa kanya,” sabi ng aktres sa amin.
 
Sa gabi kapag umiiyak si Stellar, isa sa kanila ang babangon sa pagkakatulog just to check Stellar.
 
“Palitan kami (Kean) sa pagbabantay kay Stella.” kuwento ni Chynna sa amin. Ang maganda ayon sa aktres ay both lola (her mom and Kean’s mom) ay andyan na nakasuporta sa kanila ng mister kapag kailangan ng special care ng apo nila.
 

One nice thing na nangyayari sa kanilang pagbuo ng pamilya at pagpapalaki kay Stellar ay nakikisama ang pagkakataon sa kanila ni Kean. Kapag may work ang isa sa kanila, natataon naman na ang isa ay libre at home-based lang.

Chynna Ortaleza, happy sa estado ng relasyon nila ni Kean Cipriano
Chynna Ortaleza with Baby Stellar and husband Kean Cipriano

 

 

ADVERTISING

“Like sa case ko, ang haba ng taping namin sa Mulawin vs. Ravena at ang layo ng location, kampante ako at hindi natatakot na wala ako sa tabi ni Stellar dahil andun si Kean.

 

“And in case na magkasabay naman kami ng work at pareho na may commitment, andyan naman ang mga lola ni Stellar who will take care of her.” nakangiting pagtatapos ni Chynna. 

 

Sa pagbabalik ng pantaserye na Mulawin vs Ravena na nasa ika-3rd week na ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. Chynna plays the role of Reyna Rashana, na napangasawa ni Gabriel played by Dennis Trillo.
 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING