Chynna Ortaleza, ‘di malayong mapagkamalang tomboy

Chynna Ortaleza, ‘di malayong mapagkamalang tomboy

Chynna-OrtalezaTOMBOY NA tomboy ang peg ni Chynna Ortaleza, “tung na tung”. Isang “butch” ang role ni Chynna sa bagong kontrobersiyal “lesbo-serye” ng GMA Network na The Rich Man’s Daughter na nagsimula na last Monday.

Sa press launch kasi ay nagpa-gupit talaga na super short hair ang dalaga para sa kanyang role as “Batchi” na friend ni Glaiza de Castro sa serye.

Sa katunayan, nang ipakilala ang buong cast (Rhian Ramos, Katrina Halili, TJ Trinidad, Mike Tan, Gloria Romero, etc) the other Monday, nagulat ang marami sa nakita kay Chynna na in character nang tumambad sa gitna ng entablado.

Yes, T-bird na T-bird si Chynna sa kanyang itsura at galaw, pero panigurado niya sa amin na 100% na babae siya. “Wala nga lang lovelife at never been into a lesbian relationship,” sabi niya sa amin.

“I came from a co-ed school kaya impossible na ma-involve ako sa girl to girl relationship,” sabi niya sa amin.

Sa ngayon, happy siya for being single tulad ng mga kaibigan niya like Glaiza na kung minsan, napagdududahan na mga “tibo” nga sila.

Sa totoo lang, sa mga babaeng artista ng GMA, aprub sa amin si Chynna. Ang galing niya umarte. Minsan na niya kaming napahanga sa panghapong serye na Dading na girlfriend ni Benjamin Alves sa istorya na dahil sa galing niya sa pag-arte, you will hate her because of her evil intentions sa bida.

Sa bagong serye na sigurado ako na magiging kontrobersiyal (na I’m sure ay aabangan ng CBCP ito), hindi pa nililinaw ni Chynna kung may mga love scenes sila ng mga babaeng co-stars na mai-involve sa kanya sa istorya na dinidirek ni Dominic Zapata.

Reyted K
By RK VillaCorta