Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, bigayan lang sa pag-aalaga sa kanilang baby

ADVERTISING

Chynna Ortaleza at Kean Cipriano, bigayan lang sa pag-aalaga sa kanilang baby

Chynna Ortaleza & Kean Cipriano
Chynna Ortaleza & Kean Cipriano

“Love” or “Mahal” ang tawagan ng mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano.

ADVERTISING

First showbiz exposure ni Chynna ang premiere night ng pelikulang “That Thing Called Tanga Na”, kung saan ang mister niya ay gumaganap sa role bilang C.C. na talyadang beking fashion designer na ang dream ay pakasalan siya ng boyfriend niyang si Ken Alfonso.

“But I join him sa mga gigs niya,” kuwento ni Chynna Ortaleza sa amin.

Hindi naman siya nabuburo sa bahay lang para alagaan ang baby nilang si Stellar. “My mom or his mom ang katulong ko sa babay. Like itong premiere night ng movie niya, sumama ako, ang mom ko ang nagbabantay kay Stellar,” kuwento niya.

ADVERTISING

Sa loob ng halos isang taon at kalahati, hindi naman niya hinanap ang showbiz. Happy si Chynna sa bagong yugto ng buhay niya bilang misis ni Kean at ina ni Stellar.

Sa gabi, pareho sila ni Kean Cipriano na nag-aalaga sa anak nila.

Kung ‘yong ibang young parents ay halinhinan sila sa pag-aalaga lalo na sa madaling-araw, sila pareho ang nagbabantay. Pero walang toka or schedule kung sino sa kanila ang magbabantay lalo na sa gabi na nagigising ang bata.

“Kung alam kong pagod si Mahal (Kean), okey lang na ako ang mapuyat. Give and take kami,” kuwento ni Chynna na nagbabalik-showbiz na rin.

Sa drama anthology na “Magpakailanman” ang unang television exposure ni Chynna.

“I’m also doing a teleserye. Pero binubuo pa lang ang casting. I need to do two projects as part of my contract with GMA,” kuwento niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING