Christopher de Leon, nanghihinayang sa sinapit ng ‘anak’ na si John Wayne Sace

ADVERTISING

Christopher de Leon, nanghihinayang sa sinapit ng ‘anak’ na si John Wayne Sace

Christopher de Leon
Christopher de Leon

Naghihinayang ang aktor na si Christopher de Leon sa kinahinatnan ng “anak” niyang si John Wayne Sace, kung saan kamakailan ay napabalita na sugatan sa pamamaril, habang ang kasama ay namatay dahil diumano sa droga.

Si John Wayne ay gumanap bilang anak ng beteranong aktor sa pelikulang “Dekada ‘70” ni Direk Chito Roño. Si John Wayne ang gumanap bilang anak na bunso ni Boyet sa pelikula, kung saan ang aktres na si Vilma Santos naman played the role of the wife of Boyet and mom nina Piolo Pascual, Marvin Agustin, Carlos Agassi, Danilo Barros, at itong ngang si John Wayne.

Noon pa man, bago napabalita ang pagkakasangkot ni John Wayne sa droga, natsitsismis na diumano ito sa masamang bisyo.

Si Mark Anthony Fernandez na kamakailan ay nahulian ng almost 1 kilo ng Marijuana sa kanyang sasakyan sa isang checkpoint sa Pampanga, kinumusta rin ng aktor sa reporters na kaharap niya.

ADVERTISING

“Gawa ‘yan ng demonyo. It’s evil,” sabi ng aktor sa amin during a short interview sa the grand presscon ng pelikula niya with Lovi Poe and Derek Ramsay na “The Escort” na palabas na nationwide sa November 2.

Aminado ang aktor na minsan na rin niyang nasubukan ang mga ipinagbabawal na gamot noong kabataan niya. Masuwerte siya at nakaalis siya sa pagdo-droga.

Marami kasi sa mga taga-showbiz na minsan lang matikman, hayun, nalulong na at hindi na nakaalis sa masamang bisyo.

Panawagan ng aktor sa mga kasamahan niya sa showbiz, “Kung may time pa, umalis na sila sa bisyo na likha ng devil.”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING