Christopher de Leon, ‘di nagpahuli kay Derek Ramsay

ADVERTISING

Christopher de Leon, 'di nagpahuli kay Derek Ramsay

Derek Ramsay, Lovi Poe, Direk Enzo Williams, and Christopher de Leon
Derek Ramsay, Lovi Poe, Direk Enzo Williams, and Christopher de Leon

Hindi pa rin talaga matatawaran ang husay sa pagganap ng Philippine Drama King na si Christopher de Leon.

Sa trailer nga ng bago niyang movie under Regal Entertainment na “The Escort” na pinagbibidahan nila nina Lovi Poe at Derek Ramsay, lutang na lutang ang acting nito na mas pinanday ng panahon.

Marami nga ang nakapansin na hindi ito nagpatalbog pagdating sa kaguwapuhan sa mas bata sa kanyang si Derek, kaya naman daw kaabang- abang ang mga eksena nito with Lovi.

Kasama sa pelikulang “The Escort” sina Jean Garcia, Rommel Padilla, Dimples Romana, Jackielou Blanco, at Albie Casiño, mula sa direksiyon ni Enzo Williams at mapanonood na sa November 2.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING