Christine Bermas naka-apat na pelikula kahit pandemya

Leo Bukas

HINDI pa man naipapalabas ang launching movie ni Christine Bermas na Moonlight Butterfly ay nasundan na agad ito ng tatlong pelikula. Natapos ng gawin ni Christine ang comeback movie nina Julia Montes at Coco Martin na kinunan sa Pola, Oriental Mindoro na wala pang linaw kung ano ang magiging title.

Christine Bermas naka-apat na pelikula kahit pandemya
Christine Bermas

Sa naturang probinsya rin nagsyuting si Christine kasama sina Paolo Gumabao, Kylie Verzosa at Vince Rillon ng BL movie na Sisid. Ang Sisid at ang Julia-Coo movie ay parehong idinirek ni Brillante Mendoza.

Kasalukuyan namang tinatapos ni Christine ang first film project niya sa Viva na may title na Siklo. Ang Taya at Adan director na si Roman Perez Jr naman ang captain of the ship ng pelikula.

Ang Moonlight Butterfly ay sinulat ni Eric Ramos at mula sa direksyon ni Joel Lamangan. Leading men ni Christine sa pelikula na prinodyus naman ng 316 Media Network sina Kit Thompson at Albie Casino.

“Sobrang thankful po ako na maraming nagtitiwala sa akin kahit hindi pa naipapalabas yung first film ko,” reaksyon ng dalaga. “Ang dami kong mga natutunan sa iba-ibang artistang nakakatrabaho ko. Mas lalo akong nai-inspire na mahalin ang trabaho ko and i-improve yung craft ko,” sabi ulit ni Christine.

Christine Bermas naka-apat na pelikula kahit pandemya
Christine Bermas

Dahil naka-focus ang dalaga sa kanyang showbiz career kaya no time for love ang drama ngayon ni Christine.

“Love can wait po!” diin niya. “Pero yung opportunities na dumadating minsan lang po yan kaya dapat grab lang nang grab. Hindi pa naman mauubos ang lalaki sa mundo,” natatawang pahayag ni Christine.