Christine Bermas lahat ay kayang gawin at ipakita para sa trabaho

Leo Bukas

NGAYONG 2022 ay bibigyang buhay naman ni Christine Bermas ang karakter ni Pinay sa pinakasikat na erotic franchise sa bansa na Scorpio Nights.  Ang Scorpio Nights na ginawa ni Direk Peque Gallaga noong 1985 ay nagkaroon pa ng sequel taong 1999. Sa Scorpio Nights 1 ay bumida si Anna Marie Gutierrez. Si Joyce Jimenez naman ang sa Scorpio Nights 2.

Hand picked si Christine ng Viva Films para magbida sa Scorpio Nights 3.

Christine Bermas lahat ay kayang gawin at ipakita para sa trabaho
Christine Bermas

“Hindi po ako nag-audition for this. May  gagawin kasi ako dapat na project and then sinabi sa akin na out na daw po ako don kasi may ino-ffer siilang bago at ito nga yung Scorpio Nights.  Na-sad ako ng konti kasi kay Direk Joel  Lamangan yung movie and he is one of my favorite directors talaga.

“Pero natuwa ako  nung nalaman ko na ang ipinalit ay itong Scorpio Nights, kasi alam mo yon, pag narinig mo yung Scorpio Nights talagang nag-marka yung movie sa mga tao before talaga. Erotic film siya pero classic,” kuwento ng dalaga.

Ginawang mas modern ang Scorpio Nights 3 pero pattern pa rin ang istorya nito sa original Scorpio Nights.

“Yung Scorpio Nights 2 kasi ni Joyce Jimenez hindi ko napanood, hindi ko kasi ma-search, pero may nakita ako na konti lang. Pero napanood ko talaga yung Scorpio Nights ni Ms. Anna Marie Gutierrez bilang preparasyon.

“Itong Scorpio Nights 3 halos same siya sa Scorpio Nights 1, mas modern lang ng konti yung istorya nito, mas lumawak,” lahad ng sexy star.

Ang Scorpio Nights 3  ay istorya ni Pinay na  isang cam girl  na sinisilipan ng  kanyang kapitvahay na isang engineering student (Gold Aceron)  habang nakikipag-sex ito sa kanyang live-in partner (Mark Anthony Fernandez) at nang-aakit ng mga kliyente sa webcam.

Pero hindi aware si Gold na sinasadya ni Christine na ipakita ang lahat ng kanyang ginagawa para maakit din ito at lalo pang magnasa sa kanya.

Ani Christine, malayong-malayo ang karakter niya sa pelikula na sobrang wild kumpara  sa totoong buhay.

Christine Bermas lahat ay kayang gawin at ipakita para sa trabaho
Christine Bermas

“Actually, ang laking difference, eh, ng karakter ni  Pinay sa ginagawa ko. Ako kasi in real life sobrang conservative ko as a person,” pagdidiin ni Christine. “Pero sini-separate ko talaga yung personal ko dito sa work, so ang ginagawa ko parang nagkakaroon ako ng split personality.

“Yung pagpapaseksi ko parang ibang Christine yon. Wala kaming pagkakapareho dito ni Pinay in real life,” diin pa niya.

Sa tanong  kung hanggang saan ang ipinakita niya dito sa Peque Gallaga classic, sabi ni Christine, “Abangan na lang natin. Basta ang masasabi ko kaya kong ibigay lahat at kaya kong ipakita lahat para sa trabaho ko. Para sa akin ito yung sexiest na ginawa kong film pero hindi lang siya masasabi na basta sexy lang.”

Previous articleVLOG WATCH: Jowa For a Day Challenge nina Alexa Ilacad at KD Estrada!
Next articleSolenn Heussaff is pregnant with second baby!