Christine Bermas ilo-launch sa Joel Lamangan film na ‘Moonlight Butterfly’

Leo Bukas

MAY BAGUHANG sexy star ang mabibigyan na naman ng pagkakataong makilala sa showbiz. Ito ay si Christine Bermas na isang Viva artist at talent din ng 3:16 Artist Management.

Ilo-launch si Christine sa pelikulang Moonlight Butterfly na first venture ni Melanie Uy bilang film producer katuwang si Len Carillo ng 3:16 Media Networks. The film is directed by Joel Lamangan at katatapos lang nilang mag-lock-in shooting sa Angeles, Pampanga.

Christine Bermas ilo-launch sa Joel Lamangan film na ‘Moonlight Butterfly’
Christine Bermas

Leading men ni Christine sa pelikulang sinulat ni Eric Ramos ang dalawang Kapamilya hunk actor na sina Kit Thompson at Albie Casino. Kasama rin ni Christine sa pelikula sina Tanya Gomez, Quinn Carrillo, Gigo de Guzman, Hershie de Leon, Jim Pebangco, Ivan Carapiet at Jolo Estrada.

Kuwento nina Direk Joel at Eric, magsisimula ang pelikula bilang sexy romantic drama na unti-unting magiging suspense-spy thriller kaya siguradong ikagugulat ng manonood ang twist and turns sa kuwento lalo na ang ending nito.

Ayon kay Christine, inihanda niya ang  sarili para sa pelikula. Gagawin daw niya kung anuman ang gustong ipagawa sa kanya ng direktor partikular na ang love scenes at nudity na kailangan sa  pelikula.

“Handa akong gawin kahit ano basta sa ikagaganda ng pelikula. Malaki ang tiwala ko kay Direk Joel,” lahad noon ni Christine sa storycon ng Moonlight Butterfly.

Napangiti naman si Christine nang tanungin kung kaya ba niyang higitan ang ginawa ni Cloe Barreto sa pelikulang Silab kung saan meron itong frontal nudity.

Christine Bermas ilo-launch sa Joel Lamangan film na ‘Moonlight Butterfly’
Moonlight Butterfly cast Ivan Carapiet, Albie Casino, Christine Bermas and Kit Thompson

Ani Christine, “Ayokong sabihin na lalampasan ko yung ginawa niya. Basta ako, ibibigay ko yung best ko at hahayaan ko na lang ang mga taong mag-decide kung na-pull-off ko yung role ko.”

Samantala, base sa nakapanood kay Christine sa shooting ng Moonlight Buttefly sa Pampanga, puring-puri daw ito ni Direk Joel dahil kahit baguhan ay mahusay nang umarte. Wag lang sanang lalaki agad ang ulo ng dalaga at maging pasaway para magtuluy-tuloy ang takbo ng kanyang showbiz career.