Christian Bautista, tuloy na ang paglipat sa Siyete!

ADVERTISING

Christian Bautista, tuloy na ang paglipat sa Siyete!Christian Bautista, tuloy na ang paglipat sa Siyete!NATULOY RIN ang story conference ng bagong primetime series ni Richard Gutierrez sa GMA-7 na Love and Lies. Nu’ng kamakalawa ng hapon lang, nabuo ang story conference pero wala pa rin palang leading lady.

Ang unang pinag-usapan kasi, si Lovi Poe ang leading lady, pero hindi siya natuloy dahil tapos na pala ang kontrata nito. Wala nga siya sa Party Pilipinas nu’ng Linggo dahil hindi pa raw naayos ang renewal ng contract. Kaya lang maugong na pinag-uusapang liipat na ito ng TV5.

Pero tingin ko puwede pang maayos dahil hindi pa sila naghanap ng kapalit. Maaring inaayos na ang renewal at puwede pang pumirma uli si Lovi kung magkasundo sila.

Sabi naman daw ni Leo Dominguez na manager niya, first priority pa rin daw nila ang GMA-7, at hinihintay lang daw nila ang draft ng bagong kontrata.

Naku! Feeling ko bongga ang demand sa talent fee. Kasi ayaw naman yata talaga ng GMA-7 na pa-kawalan siya. Pero kung ipagpilitan ni Lovi na lumipat sa TV5, hindi naman siya siguro pipigilan.

ADVERTISING

Dumalo lang sa story conference ay si Richard, kasama sina Michelle Madrigal, Lara Melissa de Leon, Lloyd Samartino at Paolo Contis.

Doon nga sa storycon ay sinabi ni Richard na handang-handa na siyang bumalik sa trabaho pagkatapos niyang magbakasyon kay Sarah Lahbati sa Switzerland. Pagbalik dito ay naghanda na siya sa Love and Lies at sa promo ng pelikula nila ni Marian Rivera na My Lady Boss.

Parang maganda ang pelikula dahil nakakaaliw naman ang trailer. Pero narinig ko na ang intriga na maaring ika-react ni Dingdong Dantes.

Ang sabi kasi, ang dami raw nilang kissing scenes sa pelikulang ito na hindi siguro naipagpaalam kay Dingdong. Pero hindi naman daw magseselos diyan si Dingdong dahil naintindihan naman nitong sa pelikula lang ‘yun, kagaya nang ginawa niya sa mga pelikula niya.

‘Di ba nagpakita pa nga si Dingdong ng puwet sa One More Try? Hindi rin nagpatalo si Marian dahil meron daw siyang eksena rito sa My Lady Boss na nasilipan siya ng puwet.

Panoorin kaya ni Dingdong ang pelikulang ito? Tingnan na lang natin. Sa April 10 na ang showing nito, na halos kasabay din ng airing ng Love and Lies niya sa GMA-7.

 

ANG SUSUNOD palang lilipat sa GMA-7 ay si Christian Bautista. Ngayong araw yata ang contract-signing at tiyak na programa nito ay Party Pilipinas.

Si Mark Bautista ang isa sa matutuwa riyan dahil magsasama sila uli.

Sabi kasi ni Mark, nami-miss na rin daw niya ang ilan niyang kasamahan sa ASAP, at isa na nga rito si Christian.

Mabalitaan n’yo ‘yan sa Startalk sa Sabado. Abangan n’yo na lang.

 

NATARANTA RAW sina Isabel Oli at John Prats nang lumabas sa PEP Alert na namataan ang huli sa Party Pilipinas nu’ng Linggo.

Kaya nagmadali raw na umalis si John at pinababa na ito ng basement. Doon na lang siya naghintay kay Isabela at kay Camille Prats na sinamahan din niya.

Tumanggi silang magpa-interview, dahil nakakahiya raw sa ASAP,  sabi ni John.

Si Isabel naman ay ayaw raw magpa-interview dahil magpaalam pa raw muna siya sa Mommy niya.

Parang ayoko namang maniwala na hanggang ngayon hindi pa alam ng Mommy niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING